Ang Zodiac Mo (March 09, 2016)

Aries (April 18-May 13) Kailangan mong sumandaling tumakas sa iyong pang-araw-araw na gawain ngayon, ngunit kailangan mong tiyaking natapos mo na ang lahat ng iyong akbitidad.

Taurus (May 13-June 21) Kung hihiling ka lamang, tiyak na makukuha mo ang iyong ninanais.

Gemini (June 21-July 20) Maaaring higpitan ng iyong mga kamay ang bagay na ayaw mong pakawalan. Maging mapagbigay.

Cancer (July 20-Aug. 10) Huwag mag-alala, sisikat din nang direkta sa iyo ang spotlight sa sandaling sumikat na ang araw.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring dapat mong ipaubaya ang small measure ng pagkontrol ngayong umaga – ngunit dakong gabi, magpapasalamat ka at nagawa mo ito.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Isang bagong tao sa iyong buhay ang nagpapaningning sa iyo. Bakit hindi mo siya bigyan ng kiss.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Lumabas kayo ng iyong mga kaibigan na matagal mo ring hindi nakita. Na-miss mo sila.

Scorpio (Nov. 23-29) Sikaping maraming matapos ngayong umaga – lalo na sa heavy discussions or brainstorming session.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ilabas mo ang yong passport, tiyaking ito’y current, dahil ikaw ay bibiyahe.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Isang tao (maaaring ikaw) ang maglalatag ng bagong mga ideya ngayong umaga na dapat saliksikin.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Maaaring masiyahan ka sa paglilinis ng inyong bahay dakong umaga ngayon – at maisasaayos mo ang nakakalat na mga kagamitan.

Pisces (March 11-April 18) Natutuwa sa iyo ang mga tao. At nawiwili ka rin sa kanila.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Gamitin nang husto ang bugso ng iyong creative energy na susulpot ngayong umaga.

ni Lady Dee