Friday , July 26 2024
???????????????????

Anne at Coco, gagawa ng pelikula (Dahil sa positibong feedback sa Ang Probinsyano)

00 fact sheet reggeePAWANG positibo ang feedback ng viewers at advertisers sa tambalang Cardo at Trina sa FPJ’s Ang Probinsyano  kaya nagkaroon ng idea ang Star Cinema na pagsamahin sila sa pelikula.

Ito ang in passing na nabanggit sa amin ng taga-ABS-CBN na ang lakas daw ng tambalan nina Coco Martin at Anne Curtis sa nasabing serye.

Dapat daw sana ay maigsi lang ang appearance ni Anne sa Ang Probinsyano, pero dahil positibo ito sa manonood ay hahabaan daw ito bagay na mas lalong nagpa-anghang sa sitwasyon nina Bela Padilla as Carmen at Maja Salvador bilang si Glen.

Marahil ay sobrang na-miss ng tao si Anne na mag-drama dahil huli siyang napanood ay sa Dyesebel pa noong 2014 at It’s Showtime lang ang regular show niya.

Nakatataka rin na bakit hindi na nasundan ang Dyesebel ni Anne gayong okay naman siya mag-teleserye?  Hindi naman puwedeng sabihing hindi niya kayang pagsabayin ang serye at Showtime dahil nagawa nga niya sa Ang Probinsyano.

At dahil maganda ang feedback ng tambalang Cardo at Trina ay hindi kaya gawin ng regular si Anne sa nasabing serye?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *