Tuesday , April 16 2024

Iñigo, touchy at sobrang sweet kay Miles

00 fact sheet reggeeMALA-JADINE ba sina Inigo Pascual at Miles Ocampo?

Kaya namin ito naitanong ay dahil nagpapa-cute sila kapag tinatanong kung ano na ang status ng relasyon nila ngayon.

Sagot ni Miles, ”mas naging close po kami ni Inigo,” pero hirit ni Julia Barretto, “sobrang safe naman ang answer.”

Sabi naman ni Inigo, ”the last time that we hang-out was when we were kids, tapos ngayon lang kami ‘yung I guess, serious topics napapag-usapan namin.”

At ang paliwanag ni Miles sa pagiging touchy ni Inigo sa kanya, ”ano kasi siya, very touchy na super sweet kasi niya, touchy in a way na sweet na ganyan hindi po, iyon nga po, siguro mas nag-ano nga (level up) ang friendship namin kasi, mga bata pa kami sa Quiapo lang kami nag-uusap pero ngayon medyo seryoso na ang pinag-uusapan namin ngayon.”

Magkasama raw sina Miles at Piolo Pascual sa isang serye at sa Quiapo ang shooting at bata pa raw noon ang anak ni Papa P na kalaro ng dalaga.

At ngayong mga binata’t dalaga na sila ay nag-level up na ang relasyon nila at aminadong mga seryosong bagay na ang pinag-uusapan ngayon.

Kaya pagkatapos ng Q and A ay tinanong ang dalawang young stars tungkol sa tunay nilang relasyon at kami ang nagtanong kung ‘sila’ na.

“Ano po, magkaibigan kami ni Inigo,” natawang sabi ng dalaga.

Sa tanong sa dalawa kung nakikita ba nila ang isa’t isa na boyfriend/girlfriend material.

“I do see Miles as girlfriend material, ”mabilis na sagot ng batang aktor, ”because maalagain, sobrang bait and I guess, she’s always there for me and nakatatawa,”sabay hirit ng dalagita, ”ay clown pala ako.”

At para kay Miles, ”opo naman kasi maalaga naman siya, siguro opo, boyfriend material.”

Samantala, tinanong si Inigo tungkol sa relasyon nina Diego Loyzaga at Sofia Andres ngayon.

“Magkakaibigan po kami, lalo na kami ni Diego, I mean to be honest, like Sofia and I have special friendship before, nag-usap din po kami ni Diego. Magkakatrabaho po kami actually. There’s no bad blood. No matter what, we’re still friends, past is past and we had to moved on,” safe answer ng batang aktor.

Si Miles ba ang dahilan kaya naka-move on kaagad si Inigo kay Sofia na napansing kinikilig ang dalaga kaya tinanong namin kung bakit siya kinikilig?

“Nakakatawa po kayo, eh, ha, ha, ha,” sagot kaagad ng dalaga.

Sabi naman ng binatilyo,” nakatulong po ang show, we’re friends, magkakaibigan po kami.”

Sa tanong namin kung JaDine part two ba sila ni Inigo? ”Magkaibigan lang po talaga kami,” sagot ni Miles.

Sa kabilang banda, naging shoulder to cry on ba si Miles ng kaibigang si Julia sa panahong naghiwalay sila ni James Reid?

“Lahat po kaming magkakaibigan sa set nagse-share kung anong experience sa life, mga kuwento,” nakangiting sabi ng dalaga.

Iisa pa sana ulit kami ng tanong pero hinila na sina Inigo at Miles ng kanilang handlers.

Sa pagtatapos ng And I Love You So ay paghahanap sa katotohanan at paglaban para sa karapatan ang mamamayani sa tapatan nina Michelle (Dimples Romana) at Katrina (Angel Aquino) at kanilang mga anak na sina Joanna (Miles) at Trixie (Julia) ang magaganap.

Ngayon ngang alam na nina Joey (Benjie Paras) at Michelle ang matagal nang itinatagong ugnayan nina Katrina at Dexter (Jay Manalo), hindi makapapayag ang dalawa na masira ang kanilang mga plano kaya sinunog nila ang bahay nina Michelle na ikapahahamak ng kanilang mga buhay.

Ngunit agad iikot ang kanilang mga kapalaran dahil mahuhuli ni Trixie sa aktong naghahalikan sina Katrina at Dexter na dahilan para lalong kamuhian ni Trixie ang kanyang ina.

Ngayong alam na niya ang lihim ng kanyang ina, malaman na rin kaya ni Trixie na si Dexter ang kanyang tunay na ama? Mapatunayan kaya nina Michelle na may kaugnayan si Katrina sa pagkasunog ng kanilang bahay? Maipaglaban pa kaya nila ang kanilang karapatan bilang mga tunay na Valdez?

Samantala, nadulas si Julia bago mamaalam sa finale presscon na magiging mabait ang papel niya sa pagtatapos ng AILYS.

Abangan ang natitirang siyam na raw ng And I Love You So mula sa direksiyon nina Onat Diaz at Jon Villarin handog ng Dreamscape Entertainment na nasa likod ng nasa phenomenal hit dramas na FPJ’s Ang Probinsyano, On the Wingsof Love, at Doble Kara.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

blind item

Boylet ni Showbiz Gay namamaga ang lalamunan, madalas ding may lagnat

HATAWANni Ed de Leon KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *