Wednesday , April 17 2024

Sunshine Cruz, proud sa pagiging single parent!

00 Alam mo na NonieLARAWAN ng katatagan at determinasyon ang aktres na si Sunshine Cruz. Si Sunshine ngayon ang tumatayong ina at ama ng kanyang tatlong anak na sina Angel Francheska, Samantha Angeline, at Angelina Isabele mula nang maghiwalay sila ni Cesar Montano.

Sa aming panayam sa aktres, sinabi niyang sobrang pinagbubuti niya ang bawat trabahong ibinibigay sa kanya dahil ito ang kanyang bread and butter.

“Ako naman ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para gampanan nang maayos ang bawat role na ibinibigay sa akin. At the same time, I really have to do my best because bread and butter ko ito.

“Ang kinikita ko rito ay para sa mga anak ko, so lahat ng pagkakabuti at pagigng professional sa trabaho, ginagawa ko talaga,” saad sa amin ni Sunshine.

Sobra-sobra rin ang pasasalamat ng magandang aktres sa Diyos dahil kahit may dumarating na pagsubok sa kanya ay hindi siya pinapabayaan.

”Hindi talaga ako pinababayaan ng Diyos! Actually ngayon ko nga na-feel na extra special talaga ako sa Diyos. Kasi, alam naman Niyang of course I provide for my three kids, ang hirap ha. Mahirap din, nakakakaba minsan. Pero talaga namang sa awa ng Diyos, hindi nga tayo nawawalan ng trabaho.”

030216 Sunshine Cruz kidsDagdag pa ng tinaguriang Hot Momma, “Minsan po parang hindi totoo. Parang panaginip. Sino ba naman po ako para pagkatiwalaan nila? Kababalik ko lang po sa pag-aartista less than three years ago, po pero heto ako at may billboard pa sa EDSA.

“After seeing my new Cedrix Billboard, naging emotional nang kaunti. For years, I was told na walang magtitiwala sa isang katulad kong matanda na at hindi makaarte. It’s been three years and I was blessed with five seryes, two acting awards for my MMK performances, numerous guestings and endorsements. Naitataguyod ko nang maayos at marangal ang mga bata. Sobrang ga-ling talaga ni God!”

Si Sunshine ay image model ng Ever Bilena, Cathy Valencia, Cedrix slimming and wellness, White Glo Crave Away Toothpaste, at Adajar Dental Services.

Kabilang din ang ABS CBN sa pinasasalamatan nang labis ng aktres.

“Malaki po ang utang na loob ko sa ABS CBN. Nagkaroon po ako ng acting awards because of ABS (MMK), nagkaroon po kami ng bahay na matitirahan ng mga bata because of ABS.

“Pang-lima ko na po itong Dolce Amore mula nang mag-decide ako na maging independent. May maayos na damit at masasarap na nakakain ang mga anak ko dahil sa kanila. I’m grateful po talaga sa tiwala nila sa akin at sana po ay hindi sila magsasawa,” pahayag pa niya.

Ano ang masasabi mo sa co-stars mo sa Dolce Amore, lalo na ‘yung tatlong young stars na sina Matteo Guidicelli, Liza Soberano, at Enrique Gil?

“Mababait sila, I’ve worked with Matteo sa Galema Anak ni Zuma. Mabait sya talaga. Same with Enrique Gil, naging anak ko siya sa Just The Way You Are. He is fun to work with, masayahin.

“Si Liza naman, nakakasama ko pa lang sa promos, pero nakakausap ko at napakagandang babae at mabait! Blessed at suwerte ako na makatrabaho ko silang tatlo.”

Sinabi rin niyang sobra siyang nagaganda-han kay Liza. “Gandang-ganda ako sa batang iyan at galing na galing ako sa kanya. And mayroon talaga siyang kakaibang charm na napaka-sophisticated, classy, but at the same time, abot siya ng masa. So excited akong makasama siya rito.”

Bago si Liza, si Janella Salvador muna ang nakatrabaho mo. Nakakabata ba Ms. Shine na mga bagets ang katrabaho mo?

“Sa bahay puro bata rin Kuya Nonie, tapos pati sa work puro bata pa rin. I guess when you are surrounded by beautiful and young people nakakabata iyan,” nakatawang sagot niya sa amin.

Si Sunshine ay gumaganap sa Dolce Amore bilang tunay na ina ni Liza. Kabilang din sa cast ng Dolce Amore sina Cherie Gil, Edgar Mortiz, Rio Locsin, Andrew E. at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *