Tuesday , April 16 2024

Alden, ‘di pa kayang mag-concert nang malakihan!

LAUGH ng laugh ang marami sa hanash ng Aldub Files website bilang pagdepensa sa idol nilang si Alden Richards nang ma-cancel ang concert nito sa Philippine Arena noong February 20.

“ALDUB NATION was told that Alden together with Wally, Jose and Jerald Napoles were just guests. IT IS NOT ALDEN’s CONCERT! He will just be singing a few songs.

“If it is his concert, he will promote it. But the only time he promoted it was 2 days before the show.”

‘Yan ang nakalagay na post nila sa website.

This was after a report said na na-cancel ang Sa Totoong Buhay Naman concert ni Alden kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles, Ruru Madrid, Jon Lucas, at That’s My Bae guys. Paano kasi, 74 tickets lang ang nabenta gayong 55,000 ang seating capacity ng Philippine Arena. Earlier ay ito ang post ng Aldub Files:

“Since the ‘Tamang Panahon’ Alden Richards will be making a comeback at Philippine Arena for a concert for a cause together with JOSE AND WALLY and possibly PAOLO. Jerald Napoles will also grace the show with special participation of EAT BULAGA’S THAT’S MY BAES.

“Save the date aldub nation its on FEB 20 a post valentines concert. Lets show our support for ALDEN AND JOWAPAO and make this concert successful.”

Kung guest performer lang si Alden, sino ang main performer? Sana ginandahan nila ang explanation nila kasi sino naman ang maniniwala na sa stature ni Alden ngayon bilang pinakasikat na male celebrity ay magge-guest lang ito sa isang concert. It doesn’t make sense, ha!

We saw the poster of the said concert and we believe that it is indeed Alden’s concert. Siya ang nasa gitna sa poster, therefore siya ang ibinebenta sa concert.

So, kung hindi si Alden ang main performer ay sino? Bakit hindi ninyo pangalanan? Kung sino man siya, uubra ba na mapuno niya ang Philippine Arena?

Naku, ha, sablay ang paliwanag ninyo kaya naman nalait kayo nang todo.

”Asan n yun d b 41million ang aldub anung nangyare asan n cla ngaun akala kc nila lebre hahaha kawawa naman kinancel yung concert n bae dahil tumapat sa jadine haha alam n qng cnu talaga ang my kaya bumili nang ticket sa march 18 andtu rin ang jadine sa Qatar.”

“tinalo ng jaden eii. napuno ang smart araneta last night. kawawa nman ang kabila sana nilebre nlng nila ng ticket para mapuno dn ang phil,arena.”

“waley talaga kung si alden lang..dapat lagi niyang bitbitin si yaya para may manood naman..talaga namang si yaya lang ang dahilan noon kung bakit pumatok ang aldub.”

“MilLioN tweEts dw tpos nganga ang coNcert.”

“whahahah…sarap ipa trend to sa tweeter…hahaha.”

Bakit hindi na lang aminin na hindi pa carry ni Alden na magdala ng sariling concert.

Bakit hindi maamin ng Aldub Nation na  wala silang pambili ng ticket para panoorin ang idol nila? Na hindi nila carry mapuno ang Philippine Arena? Kala ko ba mayayaman sila? Baka mayayabang lang!!!

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *