RA 10366 ipatupad nang maayos at tama para sa Senior Citizens at PWDs — Colmenares

RA 10366NANAWAGAN si Makabayan senatorial candidate Rep. Neri Colmenares, sa Commission on Elections (COMELEC) na ipatupad na ang Republic Act No. 10366 para lubusan nang guminhawa ang pagboto ng persons with disability (PWDs) at senior citizens.

Tayo man ay pabor sa panawagang ito ni Colmenares dahil halos isang milyong PWDs at limang milyong senior citizen ang matagal nang nahihirapan tuwing sila ay boboto.

Si Colmenares ang principal authors ng House Bill na naging RA No. 10366, at pinirmahan ni President Benigno Aquino III noong Pebrero 15, 2013.

Sa ilalim ng nasabing batas, inaatasan ang Comelec na maglagay o magtalaga ng isang lugar para sa mga botanteng PWDs at senior citizen nang sa gayon ay maging maginhawa ang kanilang pagboto.

Matagal na nating pinupuna ang sistemang ito sa polling precincts. Lalo na kung aakyat pa sa 2nd floor o minan nga ay 4th floor ang PWDs at senior citizen.

Aba, ‘yung hindi nga PWDs at senior citizen, nahihirapan kapag umaakyat sila pa kaya?!

Kung sa tingin nila ay makokompromiso ang kanilang kalusugan dahil sa ganyang sitwasyon, boboto pa kaya sila?!

Siyempre hindi na.

Sumasama tuloy ang loob ng marami sa PWDs at senior citizen dahil hindi nila naipa-practice ang kanilang  karapatang  bumoto at hindi nila naiboboto ang matutuwid na kandidato.

Kaya sa panawagan ni senatorial candidate Colmenares sa Comelec, suporatdo po namin ‘yan!

Aksiyon Comelec!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com