Sunday , April 21 2024

JaDine Love concert ticket, sold out in 7 days!

NOW it can be told na sina James Reid at Nadine Lustre ang pinaka-hottest love team ngayon sa showbiz, bakit namin nasabi? Dahil sa loob lang ng pitong oras mula nang ilabas ang concert tickets ng JaDine Love na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Sabado, Pebrero 20 ay SOLD OUT na?

Ano ito, bagong album o CD lang ang peg na kahit isang oras lang inilabas sa music stores ay ubos kaagad? Kaso iba ito, concert tickets at mahal pa.

At dahil pitong oras lang itinagal sa ticketnet ang JaDine Love concert tickets ay maraming nagpo-protesta na sana maglabas pa ng additional tickets ang Araneta Coliseum.

Umabot nga raw sa P9-M ang revenue ng JaDine Love sa unang napagbentahan ng tickets at muling nagdagdag ng SRO (standing room only) tickets noong Martes, Pebrero 16 at SOLD OUT na naman.

Pero bago naman nag-sold out ang concert tickets ay matagal na ring sold out parati ang lahat ng OTWOL merchandise at nakaiilang pagawa na sila lalo na ang mga unan na talagang pinagkakaguluhan hanggang sa ibang bansa.

Pati ang slumbook ng JaDine ay nasa ikatlong printing na ayon mismo sa ABS-CBN Publishing kaya naman nagugulat sina James at Nadine sa mga blessing na natatanggap nila at talagang inaamin nilang utang na loob nila ito sa lahat ng fans.

Kaya malaking hamon kina James at Nadine ang JaDine Love concert bilang unang major concert nila at aminadong kabado sila dahil buong Pilipinas ay mapapanood sila dahil may paper view.

Sabi nga ni James nang tanungin sila ni Nadine kung anong masasabi nila sa mga nangyayaring ito sa love team nila at anong mayroon sa kanila para ganito sila kasikat?

“I guess they looked at us as role models, I’m proud that people looked up to us. It’s surreal, a dream, never imagine that this could be happen on this level. Sold out concert in Araneta is (unbelievable),” nakangiting sabi ni Clark.

Hirit naman ni Lea, ”Ibibigay po namin ang 120 percent namin para po masiyahan sila.”

At pagkatapos ng Araneta concert ay diretso sila ng World tour concert simula sa March 18-Doha, Qatar; March 19-Dubai; March 26-London, at March 27-Milan, Italy kasama sina Jay-R at Yeng Constantino.

For the nth time ay muling tinanong ang JaDine kung ano na ang real score nila,”close friend pa rin po,” sagot ng aktor na inayunan ng dalaga.

May magkaibigan bang magkasama sa mismong Araw ng mga Puso, Pebrero 14 sa Rockwell Power Plant Mall?

Hindi naman ito itinanggi ni James, ”to be honest, there was a dinner plan, but the restaurants were closed so, we just bought computer games.”

Sa tanong kung may regalo sina Clark at Lea sa isa’t isa, ”none.” Diretsong sagot ng binata.

Sa kabilang banda, abangan daw ang finale ng JaDine Love dahil may revelation daw ang dalawa kaya lalong na-curious ang lahat at inunahan na ni James na hindi ito tungkol sa relasyon nila kundi tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng On The Wings of Love sa Pebrero 26.

Kaya sa mga Otwolista, tara na sa Smart Araneta Coliseum sa Sabado, Pebrero 20 na produced ng ABS-CBN, Dreamscape Entertainment, at Viva Concerts.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *