Saturday , July 27 2024

Malamig na boses ni JC, tiyak na papatok

070815 JC de Vera

00 fact sheet reggeeMAGANDA pala ang boses ni JC De Vera Ateng Maricris, nagulat ako, huh.

Alam ko magaling siyang umarte pero hindi ko alam na kumakanta pala siya kasi naman hindi naman natin siya nakilalang singer, ‘di ba?

Aksidente naming narinig ang carrier single niyang Langit Na Rin mula sa Stellaralbum under Ivory Records na ilo-launch ng aktor isa sa mga araw na ito.

Malamig ang boses ni JC at pang-masa, ito ang mga gusto ngayon ng nakararami dahil hindi nakakabibingi o nakatatanggal tutuli, sabi nga dahil halos lahat na lang ay idinadaan sa birit, feel good music lang.

Natutuwa kami para sa aktor dahil finally, may kinapuntahan na ang pagsisikap niya, bukod sa magaling siyang umarte, magaling ding businessman at sana magkaroon ng franchise along Quezon City ang famous The Burgery Restaurant na matatagpuan palang sa BF Homes, Paranaque City at ngayon ay isa ng singer si JC.

At malaking tulong din sa customers ni JC ng The Burgery at upcoming album niyangStellar ang You’re My Home serye ng aktor dahil sa exposure.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *