NATAPOS na ang buwan ng Enero, kapansin-pansin na walang huling malakihang bilang ng droga ang Quezon City Police District (QCPD) sa kabila na nasanay na ang lahat na laging may huli ang pulisya partikular ang District Anti-Illegal Drugs (DAID) na pinamumunuan ni Chief Insp. Enrico Figueroa.