Thursday , June 4 2026

8 OPM hitmakers magsasama-sama sa #LoveThrowback Valentine concert

012916 Lovethrowback Hitmakers

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG mapanood na magsasama-sama ang walong OPM hitmakers sa isang konsiyerto, ito ay sa pamamagitan ng #LoveThrowbacksa February 13, 8:30 p.m. PICC Plenary Hall. Tampok sa #LoveThrowback si na Rico Puno, Marco Sison, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Chad Borja, Wency Cornejo, Roselle Nava, at Nina.

Hindi lang magbabalik-tanaw sa mga magagandang musika noong dekada ’80-’90 ang mangyayari sa concert kundi ire-recall din ang every significant moment ng inyong lovelife. Siyempre may mga awiting tiyak na makare-relate ang sinuman sa mga kantang iparirinig nila.

Nariyan ang mga awiting pinasikat ni Rico, ang Buhat, My Love Will Se You Through ni Marco, So It’s You ni Raymond, Closer You & I ni Gino,Ikaw Lang ni Chad, Hanggang ni Wency, Bakit Nga Ba Mahal Kita ni Roselle, at Someday ni Nina. Ilan lamang ito sa mga best OPM hits na nag-define ng Philippine music scene sa loob ng ilang dekada.

Ayon sa producer ng #LoveThrowback, hindi lamang nila ginagarantiyahan ang unforgettable at kakaibang Valentine’s Day celebration na mararanasan ng manonood kundi isa rin iyong show na aakma sa universal feeling na love.

Ang #LoveThrowback ay handog ng MKFAE Productions at Royale Chimes & Events Inc., sa pakikipagtulungan ng Echo Jham Productions.Ito’y ididirehe ni Calvin Neria katulong si Marc Lopez bilang musical director. Ang ticket ay mabibili sa SM ticketnets (4722222), Ticketnet (9155555), at Ticketworld (8919999).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …