Tuesday , February 7 2023

MILF dapat sisihin sa pagbagsak ng BBL

00 bullseye batuigasKUNG mayroon man dapat sisihin sa pagbagsak ng Bangsamoro Basic Law (BBL), ito ay walang iba kundi ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagsusulong upang maaprubahan ito.

Muntik nang makalusot ang BBL kung hindi naganap ang madugong Maguindanao massacre. Dito nabuko sa publiko ang kabuktutan nila dahil sa kamay ng pinagsamang puwersa ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nasawi ang 44 Special Action Force (SAF) commandos na nasa opisyal na misyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Kahit nakita nilang unipormado ang mga ito at maliwanag pa sa sikat ng araw na kabilang sa puwersa ng gobyeno ay minasaker nila ang SAF.

Ngayong nawalan ng tiwala ang publiko at maraming mambabatas ang nawalan ng gana na suportahan ito ay malabo na ang tsansa na maisabatas ang BBL.

Mantakin ninyong nagpahayag si Sulu Rep. Tupay Loong, dating commander ng MoroNational Liberation Front (MNLF), na kapag hindi nakapasa ang BBL ay maaaring magkaroon ng “shooting war” dahil hindi nila makokontrol ang mga tao na lumalaban para sa kalayaan at hustisya. Mas madali raw mapipigilan ang mga lumalaban sa gobyerno kung magtatagumpay na maipasa ang BBL.

Ayon naman kay Dep. Speaker Pangalian Balindong, dating lider ng MNLF, kapag namatay ang pag-asa ng mga nagsusulong ng BBL ay maaari itong mapalitan ng mabangis at desperadong mga alternatibo.

Ginawa raw nila ang lahat upang mapigilan ang karahasan na muling maging paraan para maisaayos ang problema. Pero ang pagsisikap nila tungo sa kapayapaan ay nadaig daw ng mga tao na hindi nakaranas ng bangungot na dulot ng armadong sagupaan sa Mindanao.   

Gusto ba nilang sabihin na magkakagulo kung wala ang BBL? Ano ito, takutan?

Sa totoo lang, naririyan ang mga puwersa na lumalaban sa gobyerno at hindi naman sila hawak sa leeg ng MILF. Kung tutuusin, ang MILF ay kabilang din sa mga puwersang iyan.

Ang puna nga ng marami, sakali mang naaprubahan ang BBL ng MILF ay may ibang grupo na malamang ay susulpot para magpahayag ng kanilang mga naisin, at patuloy itong magaganap nang paulit-ulit nang walang katapusan.

Kung tuluyang maisasabatas ang BBL, mga mare at pare ko, ay wala itong karapatan na magsarili at dapat manatiling nasa ilalim ng batas at bahagi ng bansa kailan man.

Tandaan!

***

PUNA: ”Sana sa darating na halalan ay hindi madaya si Grace Poe sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan kung saan noong 2004 ay nabokya ang boto kay FPJ. Napakaimposible na ang isang sikat na FPJ ay walang boto kahit isa, kundi garapalang dinaya ng mga namumuno sa bayan na ’yan.”  

***

TEXT 0905-6767673 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

About Ruther D. Batuigas

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

 ‘Pangil’ ng LTO,  nagagamit na sa tamang paraan

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAPANSIN-PANSIN ngayon ang ‘tapang’ ng Land Transportation Office (LTO) sa mabilisang …

Dragon Lady Amor Virata

LGUs Laging Walang Pondo

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SAKIT na yata ng local government units (LGUs) na …

Dragon Lady Amor Virata

Renta sa loob ng police detention cell, buking

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN, nabuking natin ang Pasay City Police na sa …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang problema ng shortcuts

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG nakababahalang apela ni Secretary Benhur Abalos sa lahat …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nakalilitong pasahe sa EDSA Bus Carousel, inaksiyonan na Guadiz

AKSYON AGADni Almar Danguilan DISYEMBRE 31, 2022, nagtapos ang maliligayang araw ng mga pasaherong suki …

Leave a Reply