Wednesday , April 17 2024

Tubig at Langis, pinaka-challenge na teleserye kay Isabelle

012816 cristine zanjoe isabelle

00 SHOWBIZ ms mHANDA na raw magpakasal si Isabelle Daza sa kanyang French boyfriend na si Adrien Semblat. Ang problema nga lang, hindi pa ito nagyayaya. Ito ang sinabi ng aktres sa presscon ng Tubig at Langis na mapapanood na sa Pebrero 1, Lunes sa ABS-CBN kasama sina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes.

Napag-usapan ang ukol sa kasal dahil ikakasal na  (o baka naikasal na  habang isinusulat ang column na ito) si Cristine kay Ali Khatibi.

Samantala, sinabi pa ni Isabelle na pinaka-challenging na teleserye sa kanya angTubig at Langis dahil sa mga dialogue niya na purong Tagalog. Bagamat marunong naman siyang mag-Tagalog, iba na raw kapag teleserye na medyo malalim.

Probinsiyana kasi ang role ni Isabelle kaya medyo iba ang mga salita at malalim ang Tagalog. Siya ang probinsiyang mang-aakit sa puso ni Natoy (Zanjoe).

Si Irene naman si Cristine, isang babaeng sumumpang gagawin ang lahat sa ngalan ng buo at masayang pamilya. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kanyang ina habang ang ama ay may kinasama namang iba.

Buong akala niya ay mabubuo niya ang pangarap sa katauhan ng unang pag-ibig na si Jaime. Ngunit sa kasamaang palad, ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay ay nauna nang nangako ng pag-ibig sa ibang babae. Sinubukan ni Irene na kalimutan si Jaime pero nag-iwan ito ng hindi mabuburang alaala— ang anak nila na si Myko.

Makalipas ang ilang taon, masayang nabubuhay si Irene kasama ang anak hanggang sa muling kumatok ang pag-ibig sa puso niya. Muli niyang makakadaupang-palad ang kababatang si Natoy na hindi kalauna’y aalukin siya ng kasal sa kabila ng pagiging isang single mom.

Kasama rin sa cast ng Tubig at Langis sina Vivian Velez, Lito Pimentel, Nadia Montenegro, Marco Gumabao, Ingrid Dela Paz, Dionne Monsanto, Archie Alemanie, Victor Silayan, at Miguel Vergara. Ito ay idinidirehe ni FM Reyes.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *