Zanjoe, gagawin ang lahat para magkabalikan sila ni Bea

010616 Bea Alonzo Zanjoe Marudo
PARA-PARAAN din kung tanungin si Zanjoe Marudo sa split-up nila ni Bea Alonzo dahil may kinalaman lang sa Tubig At Langis ang maaaaring itanong sa presscon.

Nailusot ang katanungan kung naniniwala ba siya sa second chance.” Naniniwala ako sa second chance, sa third chance, sa fourth. Lahat naman ng tao ay kailangan ng chance, hindi ba? Kailangan ng pangalawa o kahit ilan pang pagkakataon,” deklara niya.

Ngumiti na lang siya nang tanungin kung posible rin bang magkabalikan din sila ni Bea.

So, ano ang pagkakahawigΒ  ng karakter niya sa Tubig at Langisbilang si Natoy atΒ  sa tunay na buhay bilang isang lover?

β€œKapag nagmahal si Natoy, parang si Zanjoe rin. Kapag sinabi niyang mahal niya, gagawin niya ang lahat para sa mahal niya. And β€˜yun lang lang talaga, roon lang siya, hindi siya matutukso o mai-in love sa ibang tao,” bulalas niya.

TALBOG – Roldan Castro