ANG ganda ng speech ni Vice Ganda sa victory party ng kanilang pelikula ni Coco Martin.
“Nagpapasalamat ako kay tita Cory (Vidanes), kay Sir Deo (Endrinal). Maraming salamat dahil sila ‘yung nakaaalam kung ano ang nangyayari sa akin, kung ano ang dapat gawin sa akin, kung nasaan akong posisyon at kung saan ako puwedeng pumunta pa.
“Kayo ‘yung laging nagre-remind sa akin kung ano ang dapat ikilos ng mga paa ko, kung saan ako pupunta, kung saan ako hihinto,” anito.
Ikinuwento ni Vice ang chikahan nila ni Deo Endrinal at kung ano ang natutuhan niya rito.
“Noong ginising nila ako isang beses, ni Sir Deo sinabi niya, ‘Masyado ka nang nagpapaganda. Masyado ka nang glossy. Pagkatapos ng ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’ gusto mo pretty ka na lagi. Idiniretso mo pa sa concert, mukha ka ng babae, hindi ka na mukhang bakla.
“Ipinaalala niya sa akin na ‘yung nakilala nilang Vice, na nagpapatawa, ‘yung niloloko ang sarili, inookray ang sarili kapag inookray siya ng mga tao. Nami-miss na namin ‘yun. Nami-miss na ng mga tao na nagmamahal sa ‘yo kasi hindi na nila nakikita.
“Kaya tayo nagtatrabaho para kumita ng malaki. Pero sabi ko, ah, kaya pala ‘yun ang calling ko, ang pasayahin sila at ‘yun ang nagkakapagpasaya sa kanila.”
Nakakasa na ang next movie ni Vice with Daniel Padilla.
UNCUT – Alex Brosas