This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BILIB na tayo sa kaseryosohan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Ricardo Rainier Cruz III sa kanyang kampanya na linisin ang National Bilibid Prison (NBP).
Akala natin noong una ay OPLAN PAKI-LALA o DELIMA STYLE lang ang ginagawa ni Director Cruz pero ngayon natin napatunayan na serysoso siya.
Tuloy-tuloy ang ginagawa niyang paglilinis sa loob ng Bilibid at dahil sa kanya ay unti-unting nahahantad sa publiko kung anong uri ng ‘demonyo’ mayroon pa sa Bilibid.
Ultimo ang bigtime drug lords and drug dealers ay hindi kinatakutan ni Director Rainier pati na rin ang iba pang puwersa o grupo na naghahari-harian sa loob.
Ngayon tayo naniniwala sa kasabihan na kapag gusto maraming paraan kapag ayaw maraming dahilan.
Pinatunayan ni Director Rainier na kapag seryoso ang opisyal sa pagsusulong ng pagbabago sa Bilibid, tiyak, sigurado, magagawa ito.
Sana ay tularan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang ginawa ng BuCor chief nang sa gayon ay mabago naman ang itsura ng mga kulungan sa ating bansa lalo na ‘yung mga nasa ilalim ng BJMP.
O C/Supt. Deogracias Tapayan, magpa-kitang-gilas ka naman!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com