Ang mga awardee ng Manila Police District (MPD)

060115 MPDNGISING-ASO raw ang ilang nakatanggap ng award sa nakaraang anibersaryo ng Manila Police District (MPD).

‘Yan ay ayon sa mga pulis-MPD na nag-text sa atin.

Hindi natin alam kung bakit ngising-aso sila. Sila lang ang nakaaalam ng tunay na dahilan kung bakit ngising-aso at hindi ngiti ng karangalan at kasiyahan ang nagrehistro sa kanilang mga mukha?

Sabi nga, inilalabas ng hilatsa ng mukha kung ano ang nasa kaibuturan ng budhi.

Anyway, mayroon din naman daw naispatan na nakangiwi nang ‘pagkatamis-tamis’ at hindi rin natin alam kung ano ang dahilan.

Sabi nga ng mga deserving na police para sa karangalan, kung ang kapalit ng award ay ‘best in kotong’ at ‘delivery’ e kanila na ‘yang award-award na ‘yan.

Pero sa totoo lang, malungkot din daw ang mga deserving na nabigyan ng award dahil walang ‘cash’ incentives.

Saan napunta ang cash incentives, Gen. Rolando Nana?!

Arayku! Parang may nabukulan na naman yata!?

Meron din daw nakatanggap ng ‘KAIBIGAN’ award. Pero ang tanong ng mga katoto natin sa MPD,

KAIBIGAN award ba ‘yan? O baka naman mas bagay tawagin ‘yan na ‘KASABWAT’ award?!

Hikhikhik! Tayo naman po ay nagtatanong lang.

‘Di ba mga KASABWAT este Kabsat?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com