Eat Bulaga!, iniwan na ni Julia

011816 Julia Clarete[divider]
00 SHOWBIZ ms mMARAMI ang nagulat sa biglang pagkawala ni Julia Clarete sa noontime show sa GMA 7, ang Eat Bulaga.

Kaya naman marami ang nagtanong sa host/actress at napag-alamang  nakabase na pala ito sa Kuala Lumpur.

“Pero hayaan niyo, pag naayos ko na ang lahat, babalik ako para magsama-sama tayo. Sa #tamangpanahon,” sagot ni Julia sa kanyang Facebook account.

Humingi pa ng paunmanhin si Julia dahil hindi siya pormal na nakapagpaalam sa kanyang mga tagahanga.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio