Sunday , August 14 2022

Angel, nakatikim ng pagmamaltrato at katarayan ni Ate Vi

011816 angel vilma
SINADYANG gawing kakaiba ni Binibining Joyce Bernal ang kanyang directorial approach in her latest opus, angEverything About Her ng Star Cinema.

Another Vilma Santos noteworthy film—na opening salvo ng kompanya this 2016—the “all-season” actress plays a highly successful businesswoman.  Anak niya rito si Xian Lim na malayo sa kanya ang loob, samantala ang private nurse naman na si Angel Locsin shares the same sentiments towards her mother.

Sa trailer pa lang, isang mataray na CEO si Ate Vi sa mga pinalago niyang negosyo sa real estate na dinapuan ng stage 3 cancer, kung kaya’t nangailangan ng tagapag-alaga. Sa simula, naging problematic, if not violent, ang patient-nurse relationship.

Dahil sa takbo ng kuwento, kinailangan ni direk Joyce na i-establish agad ang pagiging ilang sa isa’t isa nina Ate Vi at Angel.  Sa unang shooting daw kung kailan magkasama sa eksena ang dalawa, direk Joyce thought it best na huwag silang pagharapin with the usual beso-beso.

Ayaw kasi ni direk na maging komportable ang dalawa sa isa’t isa para maisapuso na ang namamagitang animosity between them. As expected, nagtagumpay ang direktora dahil sa trailer pa lang ng Everything About Her, puwedeng sampahan ng oral defamation at physical abuse si Ate Vi!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply