Sunday , August 14 2022

Michael, pinutakti ng trabaho matapos ang YFSF

122115 michael pangilinan

00 fact sheet reggeeANG laki na ng ipinagbago ni Michael Pangilinan ngayon dahil mature na siya kung ikukompara sa rati.

Kuwento ng batang singer, ”dati, bulagsak ako sa pera, kapag nakahawak po ako, kung ano-anong ipinalalagay ko sa kotse ko, puro accessories, pero ngayon, hindi na, kapag nahawakan ko na diretso na sa banko.”

Vocal naman si Michael na isa na siyang tatay at mag-iisang buwan na ang bata at pakiusap ng alaga ng katotong Jobert Sucaldito na huwag ilabas sa publiko ang mukha ng anak.

Maging sa Kris TV guesting ni Michael ay talagang hindi siya tinantanan ng host ng show na si Kris Aquino na magkuwento tungkol sa anak.

“Okay na po na nagkuwento ako sa ‘Kris TV’, kasi nahihiya ako kay ate Kris, pero sana maintindihan niya akong ayaw ko ilabas ang litrato ng anak ko,” sabi ni Michael.

Samantala, wala ng relasyon si Michael sa nanay ng anak niya, pero ginagampanan ng binatang ama ang obligasyon niya dahil parati nitong pinadadalhan ng gatas, diapers at iba pang kailangan ng anak at maging ang hospital bills ay sinagot niya lahat.

“Ganoon po pala ang pakiramdam, naging mature akong bigla at hindi ko po pinagsisisihan, kasi naging diretso na ako mag-isip ngayon,” kuwento ng batang ama.

Malaki raw ang nagawa ng Your Face Sounds Familiar kay Michael dahil punumpuno na ang schedule niya sa buwan ng Enero at Pebrero ngayong taon na kung ikukompara rati ay mas marami pa ang tambay niya sa bahay at pakikipagtsikahan sa mga kaibigan.

Kuwento nga ng manager ni Michael na si katotong Jobert na rati raw ay ipinakikiusap niya sa mga kaibigang show producer na isama ang anak-anakan sa mga show kahit libre.

“Eh, minsan, nahuli niya ako, naglalagay ako ng 5K sa sobre na kunwari honorarium niya, eh, biglang pumasok, sabi niya, ‘’nay ano ‘yan?’ sabi ko, ‘talent fee mo.’ Sabi ba naman, ‘hindi, eh, nakita ko galing sa wallet mo, ayoko!’

“Hindi niya tinanggap simula noon kapag nalaman niyang may show, inaalam niya talaga kung bayad siya o ako lang ang magbibigay sa kanya,” kuwento ng katotong Jobert.

Pero ngayon daw, ang mismong mga show producer na ang tumatawad kasi tumaas na ng kaunti ang talent fee ni Michael.

“Nakatutuwa kasi in one day, nakakaanim na shows kami or more pa. Kaya nakaiirita ang trapik, kasi ‘di ba?” sabi pa ng katotong Jobert.

Tulad ng karamihang artistang sumikat at hindi, malaki ang utang na loob ni Michael kay German Moreno o Kuya Germs.

“Nag-‘X-Factor’ po ako and landed sa Top 20. Hindi nga ako umabot sa Top 10 pero kinuha pa rin ako ni Tatay Germs sa ‘Walang Tulugan’ nang marinig niya akong kumanta sa program sa DZMM.

“Kumbaga, when nobody believed in my talent, isa si Tatay Germs sa nagtiwala sa akin kaya sobrang affected ako sa pagpanaw niya. Ang sakit! Pero ganoon talaga ang buhay, hindi natin hawak ang kapalaran natin,”balik-tanaw ni Michael.

Sa Sabado, Enero 16 ay special guest si Michael sa unang concert ni Edgar Allan Guzman na gaganapin sa Music Museum.

Aniya, ”I’ll be guesting sa ‘#AlwaysEA’concert ng kaibigan kong si Edgar Allan Guzman abangan n’yo po.”

Mag-ala Magic Mike (sexy dance/topless) siya, ”hindi ko po kaya, malaki ang tiyan ko, ibigay na lang natin iyon kay Edgar,”natawang sagot ni Michael.

Bago ang guesting niya kay EA ay, ” I will be in Tondo, Manila earlier that day para sa piyesta nila with Kuya Duncan Ramos.

“The next day naman po ay nasa Pandacan, Manila ako for their fiesta with Kuya Aljur Abrenica, KZ Tandingan, Mama Boobsie Wonderland at Andrew E. This Valentine season, magkakaroon ako ng special shows sa CSI La Union on February 13 and Pavillion Mall sa Binan, Laguna on February 14. I am also touring the 9 Xentro malls this month till end of February.”

Bukod dito ay abala rin si Michael sa ikalawang album niya na produced ng Star Music at dalawang kanta na lang daw ang kulang.

Excited din siya sa pagpapalabas ng Pare, Mahal Mo Raw Ako na pelikula nila ni Edgar Allan na idinirehe ni Joven Tan na siya ring sumulat ng kanta.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply