Process Server ng Sandiganbayan gun-toter na trigger happy pa?!

041815 gun manila ncrHindi natin alam kung alam ng Sheriff’s Office ng Sandiganbayan na may isa silang process server na ala- gun toter na akala mo ay komang kung makaasta at mukhang bigatin.

Terror kung tawagin ng mga kapitbahay niya sa Barangay Batasan Hills, Quezon City dahil sa tuwing nauulol ‘este’ nalalasing ang kumag, akala niya ay nasa Wild, Wild West siya kaya kung magpaputok ng baril ay daig pa ang pagsalubong sa bagong taon.

Sonabagan!!!

Maraming reklamo na ang inihain sa barangay laban sa nasabing kawani ng Sandiganbayan pero mukhang andap ang Barangay kaya walang nangyayari sa mga reklamo ng mga kapitbahay dahil nga sa process ‘boy angas’ server ng Sandiganbayan.

Anak ng pusa!

Taga-deliver ng subpeona at mga order ng husgado, pero  abusado sa komunidad!?

Paano pa kaya kung mataas-taas ang posisyon o naging sheriff pa kaya si kamote?

Baka maubos na ang mga kapitbahay niya sa takot at sindak sa kanya?!

Tinatawagan natin ng pansin ang Hepe ng Sheriff’s Office ng Sandiganbayan at si Presiding Justice Amparo M. Cabotaje-Tang, na pakiimbestigahan po ang kawalanghiyaang pinaggagawa ng nasabing process server at bigyan ng karampatang disiplina.

Wala na pong magtitiwala sa pamahalaan kung ang mga kawani ay abusado sa kanilang pamayanan.

Tsk tsk tsk…   

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com