COMELEC parang palengke?!

bautista guanzonMAGKAROON kaya tayo ng mapayapa at maayos na eleksiyon sa darating na Mayo kung ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ay nagbabangayan dahil hindi nagkakasundo sa kanilang mga resolusyon?

Para silang palengke sa gulo.

Pumasok ba sila sa Comelec na hindi naiintindihan kung ano ang proseso ng decision making kaya lumalabas na magkakaiba ang kanilang pananaw at desisyon?

Paano na ‘yung mga susunod na kaso sa Comelec? Ganito rin ba ang mangyayari? Iba ang resolusyon ni Commissioner Rowena Guanzon na kokontrahin naman ni Chairman Andres Bautista?

Parang ang Comelec pala ay isang Bangka na ang mga sakay ay magkakaiba ang sagwan.

Aba, Chairman Bautista, mag-ayos kayo diyan sa Comelec.

Paano magkakaroon ng integridad ang eleksiyon sa Mayo kung kayo mismo sa Comelec ay nagkakagulo?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com