Sara at Kara, pinagbawalan ni Lucille na makita si Antonio

121815 julia montes carmina allen[divider]
00 fact sheet reggeeLUMALA na ang gusot ng mag-asawang Allen Dizon (Antonio) at Carmina Villaroel (Lucille) dahil sa pagsulpot ng kambal na sina Sara at Kara.

Grabe na ang alitan nina Lucille nang magpang-abot sila ng kambal nang maaksidente ang sinasakyang kotse ni Antonio nang dumalaw sina Kara at Sara (Julia Montes) sa ospital at kaagad silang hinarang ni Lucille at pagbawalang dalawin ang ama.

At dahil dito ay iisa ang tanong kung masisilayan ba ng kambal si Antonio?

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na eksena sa Doble Kara tuwing hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

FACT SHEET – Reggee Bonoan