Robin, itatapat ng dos sa Eat Bulaga! (Bagong show na ipapalit sa It’s Showtime niluluto na raw)

060115 Mariel Rodriguez Robin Padilla
TRUE ba na si Robin Padilla ang magiging haligi ng isang noontime show na ipapalit umano sa It’s Showtime sa February?

Tanggapin naman kaya ni Binoe ang offer pagkatapos niyang pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN 2?

Open naman ang action superstar kung ano ang ibigay na project sa kanya ng management.

Enjoy naman daw na magkaroon ng noontime show dahil nasubukan na niya. Bukod dito ay napapalapit siya sa masa pati na rin sa mga OFW.

Ramdam tuloy namin na parang magkakasama sila ni Mariel sa ahow na ‘yan .

Abangan!

TALBOG – Roldan Castro