Sunday , August 14 2022

Jonalyn, looking forward na makapag-guest sa ASAP20

121615 Jonalyn Viray

00 fact sheet reggeePARANG batang sabik na sabik sa pagkain ng tsokolate ang singer na si Jonayn Viray dahil sarap na sarap siya sa churros habang isinasawsaw sa dip.

Nakatsikahan namin si Jonalyn kasama sina katotong Vinia Vivar at Ateng Maricris Valdez-Nicasio sa Dulcinea kamakailan at talagang napa-praning siya sa tableang tsokolateng pinagsasawsawan ng churros.

Sabi ni Jonalyn, “ano po ba ‘yan, patikim nga po (sabay kain). Wow, ang sarap naman neto.  Ngayon lang ako nakatikim nito.”

Hirit namin, ‘uy bawal sa ‘yo ang tsokolate’ mabilis na sagot ni Jonalyn, “tubig lang po katapat, penge pa, ang sarap.”

At nang maubos na ay umorder ulit ng churros si Ateng Maricris at nang akmang kukunin na ng waiter ang natirang tsokolate para palitan ng bago ay nagulat ang lahat sa reaksiyon ng mang-aawit, “ay kuya (waiter-sabay pigil ng mga kamay), ‘wag muna, iwan mo na lang.”

Nagpaalam naman si Jonalyn bago kumain ng churros sa manager niyang si Ms Arlene Meyer ng Creative Media Entertainment.

Samantala, hindi na exclusive contract ng GMA 7 si Jonalyn kaya puwede na siyang mag-guest sa sa ibang TV network.

Nabanggit ng dalagang singer na pangarap din niyang makapag-guest sa ASAP20 ng ABS-CBN dahil talagang pinanonood niya ang programa at hanga siya sa galing ng bawat performers doon.

Puwedeng-puwede naman talagang makipag sabayan si Jonalyn sa mga singer ng ASAP20 dahil mataas at buo ang boses ng produkto ng Pinoy Pop Superstar sa GMA 7.

Oo nga, inabot na ng 10 years si Jonalyn at malaki ang pasalamat niya sa pag-aalaga sa kanya ng network dahil marami siyang natutuhan at nagawa sa career niya.

Pero hindi na siya nag-renew ulit dahil may gustong mangyari pa si Jonalyn sa singing career niya hoping siya na ngayong free lancer na ay mapansin ng ibang network para i-share ang talento sa pagkanta.

“Expired na po ang kontrata ko sa network noong May. Malaki po ang utang na loob ko sa GMA at wala po ako sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sa pag-aaruga sa akin ng network at management nito.

“Bittersweet po talaga ang pakiramdam ko dahil tahanan ko ang GMA sa nakalipas na 10 taon at hinding-hindi ko po makalilimutan ang mga ginawa nila para sa akin, pero excited din po ako sa mga puwedeng mangyari sa hinaharap.

“Ang maganda, puwede pa rin po akong lumabas sa mga show ng GMA at ng ibang networks. Freelance artist na po ako ngayon at excited na rin po ako sa bagong phase ng aking career,” pahayag ng morenang singer.

Sabi namin kay Jonalyn na inabot siya ng 10 taon sa GMA pero bakit parang hindi naman matunog ang pangalan niya? Hindi siya masyadong nai-push ng nasabing network.

Naloka si Jonalyn sa mga tanong sa kanya at aminadong kulang nga siya sa exposure kaya nang magkaroon siya ng concert at album ay talagang sariling kayod siya sa pagpo-promote.

Sa 10 taon na ay tinanong namin kung ano na ang naipundar niya? “Nakabili po ako ng lupa sa Baguio City, kasi mura at maganda po ‘yung lugar, plano ko pong patayuan either bahay o condo na puwedeng paupahan. Tapos, puro investments po sa insurance na after 10 or 20 years ay makukuha mo na ng malaki ang cash value nito,” masayang sabi ng dalaga.

Walang bagong bahay? “Ay wala pa po, roon pa rin kami nakatira sa napanalunan ko po, plano ko pong palakihan at saka marami po kasi akong alagang pets, mga ni-rescue ko kasi ‘yung iba puro injured na nasa lansangan lang, ‘yung iba left to die na, so sila po ang babies ko kaya need ko magtrabaho dahil ang mahal ng maintenance.”

Sabi pa nga ng singer na kung may sobrang means siya ay palalakihan niya ang lugar para maka-accommodate pa ng iba pang aso at pusang pakalat-kalat sa kalye.

Kaya ini-recommend namin si Jonalyn sa Vet ng alaga naming Labrador na si Sam kay Dr. Syvert Lloyd Tan, UP graduate dahil 24 hours ay puwede siyang tawagan o itext in case of emergency at higit sa lahat, sinasabi niya ang totoo bagay na hindi sinasabi ng karamihang vet clinic.

Standing Room Only o SRO ang nakaraang concert ni Jonalyn sa Music Museum na pinamagatang Journey Into My Heart na ang repertoire niya ay ang mga hit na ini-record sa nakalipas na 10 taon.

At ang pinaghahandaan ngayon ng morenang singer ay ang launching ng 5-track album na pinamagatang Heart Of Glass produced ng Creative Media Entertainment sa 2016.

Ang carrier single ay Heart of Glass, na ipinrodyus, in-arrange, at ini-record sa Amerika, ay available na rin ngayon para sa digital downloading.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply