Thursday , May 2 2024

Pera,  kuwarta at salapi

PANGILHalf of the American people have never read a newspaper. Half never voted for President. One hopes it is the same half.

– Gore Vidal, Screening History

PASAKALYE: Dito sa atin, sa iba’t ibang rehiyon ay may sari-sariling paraan ng pagluluto—tulad ng mga putaheng Ilonggo na dinarayo nang marami sa ating kababayan at maging ang mga dayuhang turista na nais makatikim ng masasarap na pagkaing Filipino.

Ngunit hindi na kailangan pang pumunta sa Iloilo o sa Kabisayaan para masampulan ang mga lutong Ilonggo. Kung mapapadpad lang sa Malate, Maynila, may mapupuntahan nang kaininang matitikiman ang La Paz batchoy, bulalong Ilonggo, inihaw na tuna at marami pang iba.

Pumasyal lang sa Mangkuk Ilonggo sa Mabini Street sa Barangay 701. Dito makakakain sa napakamurang halaga ng mga paboritong pagkaing sumikat sa Iloilo.

Salamat sa ating kaibigang RAYMOND dahil siya ang nagdala ng lasang Ilonggo sa Kamaynilaan para matikman ng ating mga kababayang nasa lungsod.

Nabigo mang makapunta sa Canada, nagawa niyang paunlarin ang kalagayan sa buhay sa pamamagitan ng sariling pagsisikap, at sa udyok na rin ng aming punong barangay FELIBUS PAPA JR., nagawa niya ito sa kabila ng hamon ng kahirapan sa buhay.

Tayo na… kain na!

MAY planong pagdukot sa anak ng ating kaibigang broadcaster ng DWAD na si REX CAYANONG. Nag-text din sa kanya (gamit ang CP number 09982728644) na nasa Antipolo ang (taong) lilikida sa ating kasamahang kolumnista.

Mananalo si Mayor Lim

MAGANDANG tanghali po, Mayor LIM. Ako po pala si WALTER FERRER. Ang aking tirahan ay 1207 Mindoro Street, Paco, Manila, Barangay 673 Zone 73. Matagal na po akong botante dito tuwing halalan. Ilapit ko lang po sa inyo ang aking sumbong. Ang pangulo dito na si ALMA SARAGA, palibhasa po Bisaya, ang hirap umintindi nang Tagalog. Sobrang dupang sa pera at hindi marunong magpatakbo ng palengke at hindi siya marunong umintindi ng kalagayan ng ibang manininda. Ang gusto ko po, Mayor, ibalik ang pamamahala sa barangay ng palengke. Dito, si ALMA lang po ang nagpapayaman na dapat po ang kinikita ng palengke ay napupunta para sa pangangailangan ng barangay (pero) napupunta lang sa bulsa ni ALMA. Mayor, alam ko po na mananalo po kayo ngayong daratin(g) na halalan. Gusto ko po na ibalik sa barangay ang pamamahala ng palengke rito. – Walter Ferrer (09491492…Nobyembre 27, 2015)

Dapat si TRISHA sa Maynila

ISA po akong tricycle driver dito sa Hermosa Street, Tondo, Manila. Nais ko lang po iparating kay Mayor ALFREDO LIM na mas makakabuti sana kung ang kinuha niyang tandem bilang bise alkalde sa lungsod ng Maynila ay si Congresswoman TRISHA BONOAN. Naospital po kasi ang aking misis nang makunan at si congresswoman po ang tumulong sa akin. May puso pong matulungin at tapat sa kanyang tungkulin si Ma’am TRISHA. Salamat po! – Tricycle Driver sa Abad Santos

Gamit na gamit ang Inquirer

GAMIT na gamit nina NANCY CARVAJAL at RAYMOND BURGOS ang (Philippine Daily) Inquirer. Mahiya naman kayo kay SANDY PRIETO! – Anonymous (09186377… Nobyembre 29, 2015)

Pagbati sa IPTL

NAIS kong batiin sina STEPHANIE HENARES ng SM Lifestyle Entertainment at GAB ABELEDA ng Coca Cola sa matagumpay na pagtatanghal ng International Professional Tennis League. Pinalad pong nakapanood ang inyong lingkod ng aktuwal na naglaro sina World’s No. 5 RAFA NADAL, multi-grand slam winner SERENA WILLIAMS, tennis star ANA IVANOVIC at iba pang sikat na tennis player sa SM Mall of Asia Arena nitong nakaraang Disyembre 6 hanggang 8.

Kudos!

* * *

Para sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo lang po sa aking cellphone number na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.

About Tracy Cabrera

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *