Saturday , July 27 2024

Angel, nakulong sa pagtutulak ng droga

121015 angel aquino
NAGKAROON ng  special screening ang And I Love You So noong Linggo ng gabi sa Dolphy Theater.  Naroon ang halos lahat ng cast at kapansin-pansin pa rin ang pagho-holding hands ng dalawang bida rito na sinaJulia Barretto at Miles Ocampo.

Ipinanood sa amin ang one week episode at sa totoo lang, napakaganda ng istorya at para kang nanonood ng pelikula.

Kapansin-pansin na malaki na ang ipinagbago sa akting  ni Julia kung ikukompara sa launching teleserye niyang Mira Bella.

Mas lalo rin siyang gumanda at  wala akong nakikitang pangit na anggulo ni Julia. Kahit na sa eksenang nagkakapisikalan na sila ni Miles ay maganda pa rin siyang tingnan.

Na-surprised naman si Inigo Pascual (na may magandang role rin) dahil ang akala niya, hindi makararating ang kanyang amang si Piolo Pascual dahil may commitment ito. Kaya laking gulat na lang niya nang biglang bumulaga sa Dolphy Theater si Piolo.

Ang ganda ng role rito nina Dimples Romana at Angel Aquino.

May mga eksena si  Angel na kinunan sa Sao Paulo, Brazil.  Nakulong si Angel sa Brazil dahil  sa droga.

Napaka-brilliant ng writers ng teleserye.

Napagsama-sama nila ang mga  mahahalaga at napapanahong social issues.

May issue tungkol sa drug trafficking na  kinasangkutan ni Angel kaya siya nakulong sa Brazil.

Pasok din ang pagkahilig natin sa panonood ng volleyball dahil varsity players sina Miles at Julia at nagkataon na Trixie Valdez pa ang name ni Julia na mukhang ikinonek sa sikat na volleyball star na si Alyssa Valdez.

Since uso ngayon ang Youtube, may  istorya rin sila tungkol dito. Si Inigo ay nag-post ng kanyang original song sa Youtube at naging sensation iyon. Nag-concert siya sa school nina Julia at  Miles at dahil kay Inigo, tumindi ang rivalry ng dalawa.

In a week’s time, malalaman ng publiko na magkapatid pala ang dalawa.

Bongga ang university na pinagte-tapingan  lalo na sa mga schoolVat volleyball scene nina  Julia at Miles. Kinukunan ito saLyceum of the Philippines. Sosyal ang university dahil isa itong resort-type.

Paglabas namin ng Dolphy, nakasabay namin si  Annabelle Rama  na nanood din pala. Tinanong ko kung ano ang reaksiyon niya. “Ay Dong,maganda, para  akong nanood ng sine.”

Samantala, may napansin lang ako Manay Maricris, sa ABS-CBN national anthem ay naroon pa rin si  Ai Ai delas  Alas. Hindi siya tinanggal, hindi siya in-edit kahit wala na ito sa Kapamilya Network.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *