A Dyok A Day: Wa pera

00 JokeMang Emil: Totong, pautang nga nang isang daang piso.

Totong: Anong gagawin mo sa isang daang piso?

Mang Emil: Ibibili ko ng pagkain ng pamilya ko, e!

Totong: Baka isugal mo lang, ha?

Mang Emil: Hindi, ha! May pera na ako’ng pang sugal. Ang wala ay pambili ng pagkain ng pamilya ko!

BOYFRIEND

Nene: Ayoko na sa boyfriend ko. Ngayon ko lang nalaman ang tunay niyang pagkatao at nandidiri ako!

Ana: Bakit naman?

Nene: Isipin mo ba naman na usisain ako kung sino-sino ang mga naging boyfriend ko bago siya.

Ana: Iyon lang pala, e. Anong masama roon?

Nene: Anong masama? E bigla ba naman akong pinagmumura at pinagdudusta dahil ako raw pala ang nang-agaw ng mga boyfriend niya.