00 JokeBuhay Mag-Asawa: Before and After

Para sa mga kasal, ikakasal, at gustong magpakasal. Ano sa tingin n’yo sa mga ito? Hehehe!

Usapang Pera:

Before: Ang tanong ng mag-asawa, “Saan kaya tayo mamamasyal bukas?”

After: Ang tanong ng mag-asawa, “Saan kaya tayo kukuha ng isasaing bukas?”

Usapang Kalusugan

Before: “Masakit ba? Mag-ingat ka kasi.”

After: “Ayan, ang tanga mo kasi!”

Usapang Gawaing Bahay

Before: “Baby ako na maglalaba ng narumihan mong panyo.”

After: “Hoy tumayo ka riyan sa @#$%& mong kama at maglaba!”

Ref at Kama

Before: Si Mister, pag-uwi at tumingin sa ref na walang laman, dederecho sa kama.

After: Si Mister, pag-uwi at tumingin sa kama, dederecho sa ref.

May naiisip pa ba kayo? Happy Friday!!