Wednesday , December 1 2021

TV5 Entertainment TV, pasisiglahin ng Viva Entertainment

113015 Vic del Rosario Manny Pangilinan
MAS pinasiglang TV5 ang dapat abangan ng mga manonood sa pagpasok ng 2016!

Sa kabila ng mga usapin nitong mga nakaraang buwan na sisinghap-singhap, kundi man, tigok na ang departamentong Entertainment TV ng nasabing estasyon, parang dextrose na bubuhayin itong muli ng Viva Entertainment, siyempre, sa pamumuno ni Boss Vic del Rosario.

With Viva’s entry, asahan ang napakalaking pagbabago sa aspeto ng programming sa TV5 na may basbas mula kay Ginoong Manny V.Pangilinan. The Pangilinan-del Rosario partnership must be the key para umarangkada ang TV5.

This early, kasama sa front line ang henyo ng komiks na si Carlo J. Caparas sa TV version ng dalawa sa kanyang mga makasaysayang obra: ang Panday at ang Tasya Fantasya.

Balitang ang TV version ng Panday ang inaasahang magbibigay-siglang muli sa TV career ni Richard Gutierrez in a role na ginampanan ng yumaong FPJ.  Samantala, wala pang final choice to portray Tasya played by Kris Aquino.

Isa lang ang tiyak sa pagpasok ng Viva Entertainment sa TV5: a revitalized TV industry na hindi lang magpapaigting ng kompetisyon among the country’s networks kundi mas maraming job opportunities para sa mga manggagawa sa telebisyon.

 

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply