AlDub at LizQuen, kapwa German Moreno Power Tandem awardee

PAREHONG bibigyan ng German Moreno Power Tandem sina Alden Richardsat Maine Mendoza, Enrique Gil at Liza Sobearano sa 29th PMPC Star Awards For TV na gaganapin sa December 3 sa Kia Theater.
Sa isang panayam, sinabi ni Enrique na suportahan na lang ng fans ang love teams at iwasan ang pag-Aaway-away.
Happy din si Quen (tawag kay Enrique) sa tinatamasang popularity ng AlDub. Congrats daw sa kanila dahil bini-bless ni Lord. Ipagpatuloy lang daw nila ang pagpapasaya sa mga tao.
Samantala, mag-uumpisa na ang taping ng LizQuen sa bago nilang serye sa ABS-CBN 2. Early next year magsisimulang mapanood ito. Mas mature ang gagampanan ng LizQuen.
TALBOG – Roldan Castro
