Ang Zodiac Mo (November 25, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Ang araw na ito ay hindi mainam sa mga bagong gawain, gayonman walang pipigil sa iyong gawin ang ano mang iyong gusto.

Taurus (May 13-June 21) Panahon na para itigil ang gawaing hindi makabubuti sa iyo.

Gemini (June 21-July 20) Makabubuting iwasan na ang overly active lifestyle, at magbuo ng bagong estratehiya ng mga pag-aksiyon.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ang matinding pagtitipid ay hindi mainam ngayon. Kailangan nang idispatsa ang mga bagay na hindi na kailangan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kailangan nang analisahin ang mga resulta nang makabuluhang hakbang sa personal na buhay.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Tiyaking hahayaan ang imahinasyon at hindi ito pipigilan upang makaisip ng bagong ideya.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang relaxed social life at mae-enjoy na pahinga ay higit na mainam ngayon.

Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang natatanging talento.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Sa umaga ay magigising nang may pagdududa kaugnay sa magiging tagumpay laban sa karibal.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang resulta ng iyong aktibidad ay magiging malinaw dakong hapon.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang pagtatalo kaugnay sa ego at paniniwala ay posibleng humantong sa away n’yo ng iyong partner.

Pisces (March 11-April 18) Maaaring magpaalam na sa paboritong mga kasama sa gimik dahil sa iyong pagbabago ng lifestyle para sa ikabubuti ng iyong kalusugan.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Posibleng somobra ang iyong pagiging positibo at magresulta sa unrealistic expectations.

ni Lady Dee