Derrick, isang beauty queen ang ka-date sa isang resto
CAUGHT in the act ang young actor na si Derrick Monasterio na may ka-date na beauty queen sa isang resto sa Tomas Morato. Ipinakilala naman niya sa amin โyung girl from Bulacan.
Nakilala ito ni Derrick noong kumanta siya sa Miss Word.
Puro ngiti lang si Derrick habang inuurirat namin. Iniwan na rin namin sila sa table nila para hindi na maistorbo.
At least, hindi mapagdududahan si Derrick sa kanyang gender laloโt may pelikula siya ngayon na Babaylan: Isang Silip Sa Nakaraan ng Optimum Minds Media and Productions. Itoโy sa direksiyon ni Aยญllan Peter Mariano.
Sa showbiz lingo kasi nangangahulugan na ang babaylan ay miyembro ng third sex. Pero, hindi gay si Derrick sa movie na ito.
TALBOG – Roldan Castro
