00 JokeAng pagmamahal ay hindi inaasahan. Dumarating nang biglaan.

Magugulat ka na lang minsan… ‘Pag bumili ka sa tindahan, P1.50 na pala ang isang Boy Bawang…

Ang bilis magmahal!

***

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!

Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?

Toto: Hindi! ‘Yan din ang pangarap niya!

***

Tanong: Bakit nahihiya ang biik?

Sagot: Kasi, ang nanay niya, baboy.

***

T: Bakit nahihiya ang kambing?

S: Kasi, ang nanay niya, may balbas.

T: Bakit nahihiya ang sisiw?

S: Kasi, ang nanay niya, may itlog. Ang tatay niya, wala.

T: Bakit hindi nahihiya ang langgam?

S: Kasi, ang mga magulang niya, sweet.

T: Bakit hindi nahihiya ang pagong?

S: Kasi, bata pa lang siya, may sarili nang bahay!