A Dyok A Day: Dalawang aso nag-usap

00 JokeAso1: Wuf pare totoo ba na may rabis ang laway natin?

Aso2: Arf oo bakit?

Aso1: Kinakabahan kasi ako e nalunok ko laway ko.

***

Boy1: Lahi namin ang mahabang buhay, lolo ko namatay 88 years old na.

Boy2: Ako Lolo ko namatay 98 years old.

Boy3: Ala ‘yan! Lolo ko sobrang tanda PINATAY na lang namin.

***

WIFE: Hudas ka! Lagi kang umuuwing lasing. Naaasar na tuloy ako sa mukha mo.

HUSBAND: Pero mahal, kung hindi ako lasing, ako naman ang asar sa mukha mo!

***

LUCIO TAN: 25% Filipino, 75% Chinese.

HENRY SY: 20% Filipino, 80% Chinese.

ERAP: 30% Filipino, 70% Alcohol.

MANOLING MORATO: 50% Filipino, 50% Filipina.

***

Man: Doc, help me uminom ako ng baygon

Doc: Bakit, magsu-suicide ka?

Man: Hindi. Nakalunok kasi ako ng buhay na ipis.

Doc: Tanga! Dapat kumain ka na lang ng tsinelas.