Malinaw na malinaw: Calixto pa rin sa Pasay City

calixtoMukhang 100 porsiyentong  wala nang makakalaban si incumbent Pasay Mayor Antonino “Tony” Calixto.

Ang muling naglakas-loob na lumaban sa kanya ay mga talunang sina Jorge del Rosario at Dr. Lito Roxas.

Wala nang ibang naglakas-loob pa para tapatan si Mayor.

‘Sugatan’ na rin naman ‘yung dalawa at mukhang limitado ang kanilang ‘baon’ para sa labanang ito.        

Kaya naman sabi ng mga Pasayeño, llamado talaga si Calixto.

Kung sigurado na sa kanyang laban si Calixto, medyo ‘maalog’ naman ang laban ng kanyang vice mayor na si Boyet del Rosario.

Imbes na maging SUHAY ng kandidatura ni Calixto ‘e mukhang una pang tutukod itong si Boyet.

Mukhang siya’y magiging PASANG-KRUS ni Mayor Calixto at hindi magdadagdag sa kanyang boto.

Sana naman ay magkamali tayo ng obserbasyon sa vice mayor ni Calixto.

Nanghihinayang kasi tayo sa mga tatapong boto.

Anyway, alam nating beterano na sa labang iyan si Mayor Calixto at alam na niya ang diskarte para siya’y manalong muli.

Good luck Mayor Tony!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com