May salamangka ba sa database ng Immigration?

Mison
It seems na kanya-kanya na talagang diskarte ang mga palusutan diyan sa iba’t ibang divisions ng Bureau of Immigration.

Recently lang ay may nadiskubreng modus ang ilang database administrator ng Bureau na ang ilang blacklisted Chinese nationals ay milagrong na-lift sa blacklist ang mga pangalan sa database nang hindi dumaraan sa tamang proseso.

What the fact Immigration Queen of fixers Betty Chuwawa!?

At mukhang napalusutan na naman ba si Commissioner Fred ‘greencard’ Mison?

Sa isang confidential report na ginawa ng isang database administrator, isang XIE, CHUNHUI at YANG, QI na parehong blacklisted Chinese nationals ay pinagtatakhan na nakapaglabas-pasok na sa bansa nang walang kahirap-hirap.

Ibig sabihin, malamang dalawa lamang ang nasabing Chinese nationals sa mga nadiskubreng na-magic sa computer ng BI ang pangalan.

So paano naman ang iba!?

Paano kung malaman natin na hindi lamang pala mga tsekwa ang nakagagawa nito kundi pati na rin iba’t ibang high risk foreign nationals!

Mga drug syndicates, murderers, pedophiles at involve sa cyber crimes?

E ‘di paktay na ang bansang Filipinas!

Sonabagan!!!

Hindi nga nakapagtataka na tayo ay maging pugad ng mga nakapangingilabot na mga pugante galing sa iba’t ibang panig ng mundo at ‘yan ay dahil sa kapabayaan ng administrasyon ng anak ni Mang Badong?

So anong masasabi mo rito, Comm. Fred ‘dondon’ Mison?

Inakala mong loyal followers mo, pero ikinakanal ka na yata?

Effective ba talaga ang “good guys in bad guys out” mo? Waley ho ba?

Isang malaking WALEY!!!

[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com