Saturday , April 27 2024

35+ The Kuh Event ni Kuh, isang pop-inspirational concert

101015 kuh ledesma 35

00 SHOWBIZ ms mMAGTATANGHAL ng napakalaking concert sa Oktubre 16, 7:00 p.m. si Kuh Ledesma, ang 35+ The Kuh Event at makakasama niya rito ang mga kaibigan at kasabayan sa industriya tulad nina Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Jaya, at Tirso Cruz III.

Makakasama rin niya ang unica hija niyang si Isabella, si Migo ng Starstruck, at ang Perkins Twins na sina Jesse at Christian.

May espesyal din siyang panauhin, ”Ang isa sa mga guest ko ay si Fernando Carrillo na gumanap na Fernando Jose sa ‘Marimar’.”

Ang concert ay gagawin sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Center Main Auditorium sa Tiendesitas. ”Ito ang pinakamagandang auditorium dahil sa state of the art equipment at ang mga upuan ay first class. At home rin ako rito sa aking simbahan.

“Hindi ito isang all gospel show. Ito ay pop-inspirational, ngunit ito ay nakaaaliw at nakabubusog sa paningin. Kuwento ito ng buhay ko na nakalapat sa musika. Sa aking paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay. Ang mahigit 35 taon ko sa showbusiness ay pinlano ng Diyos  at patuloy Niyang isinasaayos para sa kapurihan Niya sa katas-taasan,” giit ni Kuh.

Tara na at manood ng 35+ The KUHL Event. Makukuha ang mga ticket sa halagang P3,000, P2,500, P2,000 at P750. (Para sa inquiries at reservations, tumawag sa 531-0688 o sa 0917-8139065)

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *