This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PATAY ang isang lalaking lasing na may sukbit na toy gun makaraang barilin sa ulo kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.
Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Vicente Morga, alyas Bay, nasa 30-35 anyos; tubong Leyte, at naninirahan sa Blk. 6, Baseco Compound, Port Area, dahil sa tama ng bala sa ulo.
Habang walang nakuhang impormasyon ang mga imbestigador ng Manila Police District-Homicide kaugnay sa nangyaring pamamaril sa biktima.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Noel Santiago, ng MPD-HS, naganap ang insidente dakong 9 p.m. sa Blk. 15-A Habitat, Baseco Compound, malapit sa Benigno Aquino Elementary School sakop ng Brgy. 649, Zone 68.
Ayon sa isang Edmund Cayanan, barangay kagawad sa lugar, agad niyang ini-report ang insidente kay Insp. Ricardo Mendoza III, block commander ng Baseco Police Community Precinct, na sakop ng MPD-Ermita Police Station 5, habang nagsasagawa ng checkpoint.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.