Yaya Dub, pinagkakaguluhan kahit saang lugar

HINDI kami makapaniwala nang dumugin ng mga tagahanga si Yaya Dub (Maine Mendoza) nang magpunta sa Makinabang, Baliwag, Bulacan para sa Sugod Bahay ng EatBulaga.
Halos magkapunit-punit ang damit ni Wally Bayola o Lola Nidora sa dami ng kumakamay ganoon din kay Jose Manalo na may dala pang hagdanan. Kasunod nila si Paulo Ballesteros. Masaya ang mga taga-Baliwag, sikat na sikat si kababayang Yaya Dub na taga Sta. Maria, Bulacan.
SHOWBIG – Vir Gonzales
