Kargada ni Alex Castro, sinunggaban ng beki

090815 Alex Castro
BAGAMAT si Daniel Matsunaga ang cover boy ng Cosmopolitan para sa Bachelors ng 2015 ay mas malakas ang tilian at palakpakan kay JC De Vera sa naganap na Cosmopolitan Carnival 2015. Marami ang nagtilam-tilam kay JC. Pinakaplakado ang pagtanggap sa kanya ng mga utaw kompara noong 2013 na rumampa siya at kaaalis lang sa TV5.

Nakabawi na talaga si JC sa kanyang career.

Mukhang hindi nakatulong kay Daniel ang pagkaka-link kay Erich Gonzales kaya nasapawan siya ni JC.

Hipo pa more naman ang ginawa ng mga girl at bayola kay JC pero ang nakakaloka ay may humipo sa private part  ni Alex Castro.

Sey nga niya sa kanyang Instagram Account, ”Doon sa nanghawak bonus na sa ‘yo ‘yan. ‘Wag ka na maghugas ng kamay.”

Mabuti na lang nakapag-control si Alex at hindi nasapak ang bading  na tsumansing sa kanya. Hindi siya nagpaapekto at tuloy siya sa pagrampa. Hindi rin niya pinadampot sa guard ang ‘masuwerte pero manyakis’ na bakla.

TALBOG – Roldan Castro