Thursday , January 20 2022

Coleen Garcia big star na, movie with Derek ramsay naka-P8 Million sa first day

090215 derek coleen
HINDI nasayang ang pagbe-bare ni Coleen Garcia sa kanyang launching movie sa Star Cinema na “Ex With Benefits” katambal ang hunk actor na si Derek Ramsay kasama si Meg Imperial.

Bukod kasi sa magandang grado (Graded A) na nakuha ng pelikula sa Cinema Evaluation Board (CEB), maganda rin ang resulta nito sa takilya sa unang araw ng pagpapalabas sa mga sinehan sa buong bansa ay kumita na agad ng P8 milyon.

Kaya ngayon pa lang ay puwede nang ihanay si Coleen sa mga big star na kumikita talaga ang mga pelikula. At least nakita na ni Coleen, ‘yung talagang forte niya na effective siya sa sexy drama movie at sana masundan pa ang first mainstream movie ng tisay na actress at magtambal uli sila ni Derek na may mass box office appeal rin.

Siyempre dagdag factor rin si Meg sa pagtabo ng pelikula at marami rin siyang barakong fans na supportive sa kanyang career. Binabati rin pala namin ang director ng Ex with Benefits  na hunkable ang dating na si Gino Santos na nagtagumpay agad sa kanyang first attempt sa paggawa ng mainstream movie. Si Direk Gino rin ang director noon ni Coleen sa indie movie ng actress na #Y na ipinalabas last year sa Cinemalaya.

Hit pa more gyud!

 LINGGO-LINGGONG TRANSFORMATIONS SA “YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR” MAS LE-LEVEL UP PA SIMULA SETYEMBRE 12 NA

Matapos ang matagumpay at top-rating na unang edisyon nito, magbabalik sa telebisyon ang “Your Face Sounds Familiar” upang linggo-linggong handugan ang mga manonood ng kakaibang aliw kasama ang bagong batch ng celebrity performers simula Setyembre 12.

Humanda para sa mas level up pang mga pasabog at transformations na tiyak na magbibigay ng concert-like experience sa pangunguna ng host na si Billy Crawford at ang bagong KatroFamiliar na si Melai Cantiveros, ang unang “Your Face Sounds Familiar” grand winner.

“It’s  all about just having fun and doing things that you would not expect doing for everyone to see. It’s all about enjoying the weekend and changing the weekend habit of viewers. Nabigyan kami ng pagkakataong bumalik, and we hope na magpasaya uli kami ng mga tao,” sabi ni Billy.

Si Melai ang magiging espesyal na KatroFamiliar na magdadagdag ng riot na katatawanan sa bawat episode ng programa. Makikilala siya linggo-linggo bilang iba’t ibang personalidad na makakasama ng walong celebrity performers sa kanilang mga paandar pagkatapos ng kanilang performances.

Ayon kay Melai, lalo siyang excited sa kanyang pagbabalik sa programa dahil aniya, sa pagkakataong ito ay walang pressure para sa kanya na mag-perform. Nagpapasalamat din siya sa naging experience niya rito dahil nabago raw ang kanyang buhay.

“This time, na-appreciate ko talaga ang pagbabago sa buhay ko nang sobra-sobra dahil nanalo ako na alam kong pinaghirapan ko, lalo na sa prosthetics at pagkanta. As a performer parang nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko. Parang nag-level up ako. Nalampasan ko na ang kaba kapag lumalabas sa stage at humaharap sa audience,” pagbabahagi ni Melai.

Siguradong magbabago rin ang buhay ng walong bagong celebrity performers sa programa sa kanilang pagtanggap sa hamong maging ka-face at ka-sound ng iba’t ibang local at international na music icons.

Huwag palampasin ang linggo-linggong transformations ng Absolute Performer na si Sam Concepcion, ang Soul Supreme na si KZ Tandingan, ang Dental Diva na si Kakai Bautista, ang Harana Prince na si Michael Pangilinan, ang Playful Angel na si Myrtle Sarrosa, ang Komikero ng Masa na si Eric Nicolas, ang Rebel Rock Royalty na si Kean Cipriano, at ang Sultry Heiress na si Denise Laurel.

Gaya ng naunang season, walang elimination sa programa at dadaan ang performers sa acting, dance, at vocal training kasabay ng kompletong make-up transformation para lubos nilang makopya ang ayos, itsura, at galaw ng kanilang assigned music icons.

Sa bawat episode, ang performer na makakukuha ng pinakamataas na puntos ang siyang magwawagi ng cash prize, na ang kalahati ay ipagkakaloob sa napili niyang charity. Bukod kina Billy at Melai, magbabalik din sa “Your Face” ang jurors na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, world singing champion Jed Madela, at Megastar na si Sharon Cuneta para husgahan ang performances ng celebrity performers.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng sa “Your Face Sounds Familiar” sa Setyembre 12 ng gabi sa ABS-CBN. Para sa upd- ates ukol sa programa, i-like ang www.facebook.com/yourfaceph, at sundan ang @YourFacePH sa Twitter at Instagram.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Maria Ozawa Jose Sarazola

Chef Jose at Maria ‘di kinaya ang LDR kaya naghiwalay

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Chef Jose Sarasola na hindi nila kinaya ng Japanese celebrity na …

Jessy Mendiola

Jessy pinalagan basher na bumasag sa hilig niyang mag-exercise

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola. Nag-comment kasi …

Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor mabilis naglaho ang boy next door appeal

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male …

Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng …

Leave a Reply