Thursday , April 25 2024

KC Concepcion May Sarili Nang Convenience Store Sa Makati

010515 KC Concepcion
DAHIL sa pagdalaw sa kanya sa St. Luke’s Hospital ng nakatampuhang eldest daughter na si KC Concepcion, napabilis raw agad ang paggaling ni Sharon Cuneta na ilang days ring na-confined, dahil sa sakit na allergic rhinitis at post-nasal drip sanhi ng bacterial infection kaya hindi tumitigil ang pag-ubo ang singer-actress.

Nakuha raw ni Mega ang naturang infection nang magbakasyon sila ng kanyang pamilya sa Amerika. Although may series of test pa raw na gagawin kay ‘Nay Sharon ang kanyang doctor sa nasabing private hospital at least kahit paano ay maganda na raw ang pakiramdam niya dahil kapiling na uli ang super nami-miss ng mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel at siyempre pa ang minamahal na hubby si Secretary Kiko Pangilinan.

Samantala mukhang sinusundan na rin ni KC ang kanyang Mommy Shawie sa pagnenegosyo. Yes matatandaang nagkaroon ng boutique shop noon ang megastar at matagal na rin siyang involve sa Realty business na nagbebenta siya ng ilang unit ng townhouse somewhere in Quezon City.

Si KC naman, iba ang pinasok na negosyo at ang Kapamiya young actress ang nagmamay-ari ng KC Mini Mart, ang convenience store sa Makati na ipinangalan niya sa kanya. Sa post sa FB account ng kanyang Mama Sharon, makikita na bumisita sa tindahan ni KC kamakailan ang kanyang mga sister na sina Frankie at Miel and so far malakas raw ito at tinatao talaga.

Good for her gyud!

MISIS NI GOMA NA SI CONGW LUCY TORRES PAREHONG PINURI SINA DAWN AT BEA SA “THE LOVE AFFAIR,” STAR CINEMA MOVIE KUMITA NG 15 MILLION SA FIRST DAY

Dahil patuloy na pinipilahan sa takilya simula nang magbukas sa mga sinehan nitong Miyerkoles ang “The Love Affair” from 170 cinemas ay mapanonood na ito ngayon sa 230 theatres nationwide.

Kahit saang lugar sa Pinas ay pinag-uusapan talaga ang pelikula ng Star Cinema na pinagbibidahan ni Bea Alonzo at ng tambalang Richard Gomez at Dawn Zulueta na hanggang ngayon ay hot pa rin sa mga fans ang loveteam na CharDawn.

Well, very realistic kasi ang tema ng The Love Affair tungkol sa mag-asawa na ginampanan nina Vince (Goma) at Dawn bilang Patricia na parehong mga nagkamali na pilit na inaayos ng character ni Dawn dahil naghihinayang sa 36 years na pagsasama nila ni Richard na nahumaling kay Adie (Bea), na isa namang heartbroken dahil sa pagiging playboy ng fiance na si Tom Rodriguez.

Alam nating mahusay na artista si Bea pero sa latest movie ng magandang aktres ay mas hahanggan siya sa kanyang performance dahil makatotohanan talaga ang pagganap niya bilang lawyer na naka-affair ni Richard sa pelikula.

Samantala maging ang ilang kapwa celebrities at partners in life nina Bea at Goma na sina Zanjoe Marudo at Congw. Lucy Torres ay gandang-ganda rin sa movie at all praises din sa mahusay nilang portrayal.

Sabi ni Congw. Lucy, bagay din pala sa screen sina Bea at ang kanyang hubby na si Goma. Narito ang kabuan ng “tweet” ni Lucy para kay Bea, “Hi Bea! This is Lucy. Congratulations! You and Dawn were just brilliant in the movie. There could not have been a better cast. You both were gorgeous in every scene. And grabe when you guys cry, the audience just weeps right along. It is a beautiful cast, a beautiful team. Bagay din kayo ni Richard! You guys also look good together! Stay beautiful. At si Zanjoe ay may mensahe rin sa pelikula at kay Bea na papunta na sa liwanag ang relasyon. “Ito ‘yung kuwento na hindi pa ninyo napapanood. Dapat ninyong abangan ang ending. Ang galing nilang tatlo especially Bea. Ang layo ng ipinakita ni Bea dito sa ginawa niya last time,” pahayag ng Kapamilya aktor.

Kumita pala ng P15 million sa unang araw ng pagpapalabas sa mga sinehan ng The Love Affair at still counting hanggang ngayon, rated B ang pelikula ng Cinema Evaluation Board.

Bravo sa lahat ng bumubuo ng movie ito gyud!

UNANG HAMON NI LOLA NIDORA KAY ALDEN SA NO.1 #KALYESERYE SA EAT BULAGA PARA KAY YAYA DUB NAPAGTAGUMPAYAN NG HOT NA HUNK ACTOR

Hindi pa pala tapos ang hamon ni Lola Nidora (Wally Bayola) kay Alden Richards na tinanggap nang buong-buo ang challenge para magkita na talaga sila nang personal ng minamahal na si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa no.1 #KalyeSerye sa tanghali sa Eat Bulaga.

Nitong Miyerkoles, muntik na sanang magkita ang dalawa nang mag-perform si Yaya Dub sa #DabarkadsPaMore#BulagaPaMore na nakalaban si HBD Girl, Patricia kaso naharang na naman ng bruhang si Wally.

Pagkatapos paigibin ng tubig nitong Sabado sa basement ng Broadway Studio si Alden at halos mapuno na ang mini-pool doon, pinatakbo ni Lola Nidora, ang hot Kapuso hunk actor mula Broadway Centrum patungong EDSA Cubao sa loob lamang ng 20 minuto na sasalubong sa kanya ang isang Rogelio, ang maskuladong bodyguard ni lola.

Sa inspiring messages ni Yaya Dub, sa kanya ay nagawa pang mas mabilis ni Alden dahil narating agad niya ang overpass ng Cubao EDSA sa loob ng 17 minutes and 55 seconds lang.

Marami ang tumulong kay Alden habang ginagawa ang hamon. May nagpapaypay sa heartthrob at may nagbigay ng tubig dahil sa matinding uhaw at pagod. Todo pawis din ang hunk actor. Nagpaka-fair naman si Lola Nidora nang tuparin na bibigyan niya ng puntos si Alden kapag nakapasa sa kanyang mga hamon.

So may one point ng score ngayon si Alden sa Scoreboard ng dakdakerang lola sa toprating #KalyeSerye.

Abangan ang mga susunod pang challenge na gagawin ng actor para sa babaeng kanyang inspirasyon na si Yaya Dub.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *