Thursday , December 8 2022

Ano ang role ng mga itinalagang fraternity brods ni PNoy sa illegal gambling? (Part 3)

00 rex target logoHINDI lamang umano mga opisyal at mga tauhan ng PNP at NBI ang posibleng nagbibigay-proteksiyon sa talamak na operasyon ng STL cum jueteng sa buong bansa kundi ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ito ang impormasyong ipinagkaloob ng isang well-placed source ng inyong lingkod makaraang umpisahang busisiin ni PCSO Chairman Ayong Maliksi sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI).

Napuna ni Maliksi ang pandarayang ginagawa ng STL operators sa PCSO makaraang mapuna ang malaking kakulangan sa inaasahang revenues ng ahensiya noong nakaraang taon.

Sa expected income na aabot nang mahigit P100 milyon, a measly P4.8 something lamang ang naitalang remittances ng STL operators na lubha umanong kaduda-duda.

Sa sariling paghuhukay ng pitak na ito patungkol sa isyu, ilang malalaking pangalan sa malawakang industriya ng illegal gambling ope-rations sa buong bansa ang lumutang na nagmamay-ari ng tatlo hanggang apat na prangkisa ng STL gamit ang kani-kanilang dummy corporations gaya ng tinaguriang Godfather ng jueteng na si RODOLFO ‘BONG’ PINEDA alyas DOCE o 12.

Si Pineda ay operator din ng pinaka-modernong cockpit arena sa San Juan City, Metro Manila at asawa ni Pampanga Governor Lilia “Na-nay Baby” Pineda.

Nasa construction business din si Pineda at ang mga legal na kontrata sa gobyerno.

Bukod kay Pineda, matunog din ang mga pangalang OTTO BALBOA,BUBOT VICEO, CESAR REYES, BOGART ATAYDE, EDDIE ‘KABAYO’ GONZALES. CHARING MAGBUHOS, BEBOT SANCHEZ, ‘DON RAMON’ FREZA, DANTE ALVAREZ at GIL TEPANG ng Quezon City.

Ang mga huling pangalan na binanggit natin ay mga ‘sampay-bakod’ sa mga prangkisa ng tinaguriang THE BIG 4 ng STL cum jueteng ope-rations.

Napag-alaman din po natin na well-connected sila hindi lamang sa mga lokal na politiko at pulisya kundi sa mga miyembro ng Kongreso at maging sa Senado.

Si Congressman Elpidio Barzaga ang chairman ng komite ng Games and Amusement sa Kamara at si Sen. Sonny Angara naman sa Senado.

Ang nakatutuwa lamang sa ating natuklasan, tila may common denominator ang ilang mambabatas sa mga opisyal na kasalukuyang namumuno ng ating Games and Amusement Board na may sarili rin pong police powers para magsagawa ng panghuhuli sa illegal gambling.

Ilan po sa mga opisyal na ito sa GAB ay mga miyembro ng isang fraternity at graduate ng University of the Philippines.

Kabilang na rito ang pinuno ng GAB na si JUAN RAMON GUANZON bilang Chairman, Commissioner Atty. Aquil Tamano na direktang nasa ilalim ng Office of the President.

May mandato po ang tanggapang ito “to re-gulate and supervise professional sports and allied activities to combat and prevent the existence and proliferation of illegal bookie joints and other forms of organized illegal gambling connected with all play-for-pay sports and amusement games.”

Ano na kaya ang nangyari sa Presidential Anti-Gambling Unit ng GAB na pinamumunuan ni Atty. Erman Benitez who happens to be fraternity brod ni Commissioner Tamano at Sen. Sonny Angara. Miyembro po sila ng SIGMA RHO.

Wala kasi tayong nababalitaang activities ng AIGU kahit pa nga mismong si PCSO Chairman Ayong Maliksi na ang nagsisisigaw na ‘HULIHIN’ ang operators ng STL cum jueteng!

Totoo bang nasa blue book ng isang BABY TOLENTINO ang ilang miyembro ng SIGMA RHO?

Musta na kaya si Executive Secretary Jojo Ochoa na direktang pinag-uulatan ng mga miyembro ng GAB-AIGU?

CODE OF SILENCE nga ba ang umiiral diyan sa GAB ha Chairman Guanzon, sir?

Sayang talaga ang multi-milyong budget nitong GAB kung flat na ‘itlog’ ang maipagmamala-king accomplishment. Andiyan pa naman sa pusod ng Makati Business District ang inyong magarang tanggapan.

Hindi kaya pagwawaldas lamang ng taxpa-yers’ money ang ipinasusuweldo sa inyo?

Baka yaong mga opisyales lamang nila ang masasabing ‘accomplish’ hehehe!

May kasunod…

ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About Rex Cayanong

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Rabies, isda, at bakuna

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINLIMANG TAON na ang nakalipas nang, sa bisa ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

Leave a Reply