Saturday , December 10 2022

Walang keber sa laos nang si Renee Salud, Wynwin Marquez muli raw sasabak sa Binibining Pilipinas

031715 wynwyn marquez
KAHIT laos na at matagal nang kinakabog ng mga baguhang kapwa designers, para makapag-ingay lang at pag-usapan ay nilait-lait talaga ni Renee Salud ang pagsali ni Wynwin Marquez ngayong taon sa Binibining Pilipinas pero hindi nga napasama sa Top 10 ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Sey pa ng lola nating may pagka-orocan ay mas maganda kung sumayaw na lang daw si Wynwin at may career pa siya sa larangang ito.

Wow feelingera talaga ang mapanlait na nilalang e, dekada na siyang pinaglipasan ng panahon ‘no!

Saka sorry na lang, sa beteranong fashion designer dahil as of press time ay kinombinsi pala si Wynwin ng Bb. Pilipinas Charities Inc., para sumali uli sa kanilang Binibining Pilipinas 2016.

Sabi ay pinag-iisipan pa raw ngayon ni Wynwin ang kanyang desisyon na inaantay na ni Mrs. Stella Marquez-Araneta.

Ibig sabihin pang-beauty queen talaga ang dating ng dancer/actress kasi pinag-iinteresan siya na muling isabak sa pinakasikat na beauty pageant sa bansa.

To Mama Renee, malaking belattt sa iyo gyud!

BACK-TO-BACK CONCERT NG KING & QUEEN OF THEMESONGS NA SINA ERIK AT ANGELINE SA ARANETA SOLD-OUT NA ANG TICKETS

052815 Angeline Quinto Erik Santos

Hindi pa man idinaraos ang back to back concert ng nagmamahalang sina Erik Santos at Angeline Quinto na gaganapin bukas ng gabi sa Araneta Coliseum ay tagumpay na ang Cornerstone Management ni Sir Erickson Raymundo.

Yes balitang-balita na ‘yung VIP tickets ng konsiyerto ng King and Queen of Teleserye Themesongs ay halos pinakyaw na ni Kris Aquino kaya ito ang naunang naubos.

Kaya kung may mabibili man ang fans o iba pang walk-in concertgoers ay upper box o general admission na lang ang available.

Kung bakit marami ang nag-aabang at excited sa pagsasamang ito nina Erik at Angeline sa Big Dome kasi alam nilang mag-e-enjoy sila sa show na  3-in-one show ang masasaksihan at ang special guest ng dalawa ay mga bigating sa concert scene na sina Martin Nievera at Regine Velasquez.

Ayon kina Erik at Angeline nang makausap namin sila sa kanilang presscon, kahit na sanay na silang mag-perform ay may pressure pa rin sa kanila na makasama ang Concert King at Asia’s Songbird sa iisang entablado.

Siniguro pala nina Angie at Erik na hindi mabibitin ang crowd sa kanila dahil halos lahat ng favorite nilang greatest love songs ng iba’t ibang henerasyon ay kanilang kakantahin kasama na siyempre ang duet number nila with Regine and Martin.

Imbitado ng dalawa sa kanilang nasabing concert ang bagong youtube sensation na 2 million na ang likers na magpipinsang kumanta ng All of Me with matching kwelang interpretative dance.

TATAK EAT BULAGA SA IBA’T IBANG PERFORMANCES

#BULAGAPAMORE

#DABARKADSPAMORE

071615 eat bulaga

Bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang ika-36 anibersaryo sa Philippine local Television, ang EB Dabarkads naman na mga naging paborito ng mga televiewers sa mahabang panahon ang magpapamalas ng iba’t ibang talento sa #BulagaPaMore #Dabarka-dsPaMore na nagsimula few weeks ago.

Dalawa na ang pasok sa Grand Finals, sina Paolo Ballesteros na buwis-buhay ang ipinamalas na dance number sa Super at Suffer Sireyna at naka-tie niya si Dabarkads Ruby Rodriguez na winner na winner din ang performace sa Sari Sari Awards at Humanap Ka Ng Pang-Eat.

Sa ginawang number ay sobrang namangha kay Paolo ang isa sa naging celebrity judges na si Christoper de Leon at pinuri talaga ng actor ang husay nito.

Ngayong Sabado, bukod sa pagpapatuloy ng kuwento no.1 kilig-serye sa tanghalian na #KalyeSerye ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, na hindi lang hit dito sa Pinas kundi worldwide, ay dapat rin ninyong abangan ang weekly finals ng #BulagaPaMore#DabarkadsPaMore. Kabilang sa lalaban rito sina Jose na nanalo sa kanyang Bulagaan prod at si Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon na ipinakita naman ang galing sa pagdodoble kara na nag-ala Katy Perry at Michael Jackson.

Sino kaya ang magwawagi sa weekly finals, may mag-tie kaya uli?

At syempre bigatin rin ang mga tatayong celebrity guest judges sa masayang segment.

Kaya watch pa more gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply