Monday , December 5 2022

Pagbabalita ng kasalang Vassy at Ozu, wala raw pahintulot

080615 ozu ong Camay Cojuangco
AYAW pag-usapan ni Vassy ng Batchmates ang walang permisong pagbabalita umano ng TV Patrol na pinakasalan niya ang yumaong Masculados member na si Ozu Ong kahit patay na.

Isang pastor umano ang nagbigay sa kanila ng basbas at may video rin kaming nakita na hinalikan niya si Ozu.

“Ayaw ko ng write-up,” sey niya nang dumalaw kami sa burol ni Uzo sa Transfiguration of Christ Parish Church and Columbarium sa Antipolo.

Pero iginiit ng kanyang manager na si Lito de Guzman na napabalita na ito sa TV.

“Hanggang doon na lang ‘yun,” katwiran niya.

“Blessing lang ‘yun,” pagdi-deny pa niya.

Pero ayon sa aming source, bago namatay si Ozu ay balak na nilang magpakasal kaya itinuloy umano ni Vassy kahit isang malamig na bangkay na ang live-in partner.

Dalawa ang anak ni Vassy kay Ozu. Ang bunso nila ay nasa tatlong buwan gulang pa lang at ang panganay ay wala pang isang taon.

Inilibing kahapon, Sabado si  Ozu.

Grace, super nami-miss ang amang si FPJ

grace poe fpj

SA mga panahong ito, hindi maitago ni Senator Grace Poe ang kanyang pangungulila sa amang si Fernando Poe Jr..

Inamin ni Senator Grace na miss na miss n’ya si Da King lalo na’t kinakaharap n’ya ang malaking desisyon kung ano ang plano n’ya para sa 2016 elections.

Marami ang nag-uudyok sa senadora na tumakbo bilang pangulo at marami rin namang nag-aambisyon na maging bise presidente sana nila si Senator Grace.

Hindi nahihiyang ikinuwento ni Poe na kung nabubuhay si FPJ ay kokunsultahin niya ito sa mga hakbang na dapat n’yang tahakin o kung anong direksiyon ang dapat puntahan.

“Alam naman ng marami na independent minded ako at marami akong desisyon na ako lang ang nagpasya, nakaka-miss din na wala si FPJ. Gusto ko rin naman ibahagi sa kanya kung ano man ang narating ko at saan ako naroroon,” pahayag ni Senator Grace.

Dagdag ng senadora, “Yung issues na ibinanabato nila noon sa tatay ko, parehong isyu rin ‘yon na itinatapon ng ilang kampo laban sa akin.”

Sa darating na August 20 ay 76th birthday ni Da King na lalo pang nagpa-miss sa senadora sa kanyang yumaong ama

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Jake Cuenca Baron Geisler

Jake Cuenca ‘di na umiinom, naging motivation si Baron

MATABILni John Fontanilla ISINAPUBLIKO ni Jake Cuenca na isa’t kalahating taon na siyang hindi umiinom ng alak. …

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Leave a Reply