Friday , December 9 2022

Modus operandi ng mga kriminal pakner in crime “foolish cop”

00 kontra salot afuangPAG-USAPAN po natin ang “laglag barya” lalo na sa loob ng mga bus.

Ang tawag po sa biktima rito ay AKTOR.  Ang involved pong suspek dito ay mga apat hanggang lima katao. Hiwa-hiwalay po iyan sa pagsakay at pag-upo sa loob ng bus.

Isa lang po ang maglalaglag ng barya sa flooring ng sasakyan at pilit niyang aabalahin ang mga paa ng bibiktimahin habang ang mga kasama ay minamaniobra ang bag o anomang mga gamit na makukuha nila sa biktima.

Pero ingat po kayo dahil kadalasan po sila’y may mga dalang patalim at amoy alak.  Kapag nakarinig na po kayo ng laglag ng barya, ingatan na po ninyo ang inyong personal na pag-aari. Bababa po ‘yan sila, halos magkakasunod at tandaan po ninyo, kadalasan po sasakay sila sa nakabuntot na sasakyan ng tinatawag nating mga TONGPATS na PULIS.  Kapag may matinong pulis na nakialam sa sindikatong ito, pinalalabas na arestado nila ang mga KRIMINAL pero huwag ka,PATONG SILA.

Naalala tuloy ni AFUANG noong panahon niya. May pinayuhan siyang bagong pulis-Makati na si Robles na pinatay ng mgaTONGPATS na pulis sa kagayang sindikato ng laglag-barya.

(Ang pulis na si Robles ay dating tauhan ni Major Leonardo Medina na ngayon ay namayapa na. Itinapon nila sa Laguna si Robles pagkatapos nilang patayin.  Kung nakinig lang siya kay AFUANG sa sinabi noon, “Sa pulis kailangan maging magulang ka, bukod sa pagiging matapang.”  ‘Yung hardened criminals tulad nila, kapag nasakote mo, mga Artista ‘yan, ang BABAIT pero kwidaw o ingat ka, humahanap lang ng tiyempo iyan,  papatayin ka niyan.” Nangyari na nga, hindi siya nakinig kay AFUANG disin sana buhay pa siya. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Mayroon naman pong pulis na 15 / 30 at bata ng ilang mga corrupt na ppisyal na ang trabaho ay sumakay ng iba’t ibang bus, maglibot sa Metro Manila at mag-PUNG ng mga mandurukot, slasher, lagla-barya at lahat ng Ilegal na pagkakakuwartahan.

Ang ibig sabihin po kapag na PUNG ka (kung ikaw ay SALOT) ng nasabing pulis, kahit hindi ka pa nakabibiktima, produce ka ng pera o dukot ka na sa bulsa.

Kapag wala kang mai-produce hihintayin ka na makabiktima at biyak kayo o hati sa iyong nasikwat.  Ang kawawang pobreng nabiktima, na isang buwang gigising nang maaga, makikipagsiksikan sa LRT, MRT o mga sasakyan patungong opisina ay magtitiis na hindi magmeryenda para lang madagdagan ang iuuwi sa pamilya ay madudukutan pa ng mga SALOT.

Aba’y ingat po kayo lalo na kapag ARAW ng suweldo.CONDOLENCE sa VICTIMS.

Kapag namamasyal naman po kayo sa mga commercial center, at mga mall, ingat po kayo sa mga babae o lalaking SALISI. Mga dalawa hanggang tatlo po sila. Gustong-gusto po nilang mambiktima sa mga restaurant, lalo na kapag may okasyon o dili kaya’y birthday party. Laging bihis at higit na matatalas ang mga mata at nag-oobserba sa inyong kilos. Kadalasan kapag pumunta ang bibiktimahin sa CR, diyan mabibilis ‘yan, kaya nga SALISI.  Walang silang pinipiling tataluhin.

Katunayan nga po, taong 1996 sa Shakey’s Makati, kamag-anak ni Capt. Rey Jaylo ang nabiktima ng tropa.  Aba’y kulang-kulang na P100,000 ang laman ng bag.  Nakilala ni AFUANG ang mga  SALOT na taga-Tondo. Sa laki nga ng takot, umalis sa Tondo.

Reminder lang po, mga kababayan. Hindi po maglalakas-loob na pumasok sa isang siyudad o bayan, lalo na sa Metro Manila ang mga sindikatong ‘yan na walang PATONG na FOOLISH COP o OPISYAL.  Tapatan po iyan, lalo na itong MAKINARYA o BUDOL-BUDOL sa Metro Manila. Ang gustong-gustong lugar na puwestohan nila ay mga mall at commercial establishment. Pinakapaboritong spot nila ang mga nasabing lugar, na matatagpuan ang marami sa ating mga banko.  Ang mga patong na pulis ay nakaposisyon na sa malalapit na AREA para ABOT TANAW sila para kung mayroong aberya at makakita sila ng isang kamukha ni AFUANG o JAYLO makaiigtad agad sila papalayo sa crime scene.  Eksperto po ang mga driver nila, rumarampa po sila sa bangketa kung kinakailangan.

Ang modus oprandi na ito ay STYLE probinsyano na mayroong kilik-kilik na bag at kapag nakakita ng AKTOR o bibiktimahin, kunwari ay tatanga-tanga, sabay bangga sa biktima. Sabay tanong kung alam ang address sa hawak niyang papel at ipakikita ang bungkos-bungkos na perang dala niya. (Minsan lang po sumasablay ito, Kabayan. Sa Q.C. Manila at Makati City po ang Favorite nila, kasi pinakamaraming banko at mayayamang depositor).  Maya-maya may lalapit na UROT o PALA, sabay silip sa bag sabay sabing, “Naku, mag-ingat po kayo maraming holdaper dito.”

PAALALA LANG PO, mahuhusay magsalita ang mga  miyembro ng sindikatong ito.  Hindi po kayo Nahi-hypnotized, kundi dahil sa kanilang convincing power o tamis ng pananalita at sa kasakiman naman ng bibiktimahin sa KIKITAIN na inalok ng SALOT na kriminal kaya’t sila ay nasisilo. Depende po ito sa lokasyon at PAGKAGAHAMAN ng aktor o biktima.

Ito po ang BUDOL-BUDOL o MAKINARYA ngang tinatawag. Napapag-withdraw sa banko ang biktima at pagkatapos po, diyan papasok sa eksena ang SWITCHING ng magkaparehong bag na may maliit na kandado ng dalawang kataong nakikilala ng aktor o biktima.

Mag-ingat po kayo, Kabayan, sa modus operandi nila.  Noong araw ang mga SALOT ay nag-iiwan sa ibabaw ng budol na pera, at sa ilalim ay puro diyaryong tabas.  Ngayon po kahit piso hindi ka iiwanan sa loob ng Bag.  Gayondin, dati po ipinapasok sa isang restaurant ang aktor kasama ang sangkot na pulis.  Ngayon naman po hindi na, kahit sa ilalim ng punongkahoy nagkakatalo na.  Sa mga BIKTIMA, ang masasabi po ni AFUANG kayo’y nagiging SAKIM sa kikitain  at TANGA kayo kaya naloko kayo ng mga SALOT ng BAYAN.

Para po sa pagpapatuloy ng pagbubuko natin sa mga katiwaliang kinasasangkutan ng mga pulis at kriminal, abangan po ninyo ang mga susunod na kabanata sa aking kolum.

Kung mayroon po kayong alam na salot sa inyong lugar, huwag po kayong mag-atubiling tumawag sa 09179148308. Maraming Salamat. Mabuhay po tayong lahat.Pagpalain po tayo ng Panginoong Maykapal.

Ibig pong Iparating ni Jonard ng National Bookstore sa Festival Mall ang kanyang pagbati sa nalalapit na kaarawan ni BELA FERNANDEZ GRACIO, isang kahera sa National Bookstore ng Filinvest, Muntinlupa City.

UGALIING manood sa Royal Cable TV Program “Kasandigan ng Bayan “Martes at Miyerkoles 9 to 12 noon. Mayor Afuang with Royal Cable TV6 Manager & Southern Tagalog Broadcast Journalist Assn. Inc. President Cris Sanji.  Maraming aalamat po. Godspeed.

About Abner Afuang

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Rabies, isda, at bakuna

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINLIMANG TAON na ang nakalipas nang, sa bisa ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

Leave a Reply