Thursday , April 18 2024

Equal rights para sa mga Beki, isinusulong ni Ate Koring

062315 korina sanchez

00 fact sheet reggeeANG Keribeks 1st National Gay Congress ay binuo ni Rated K TV host, Korina Sanchez-Roxas bilang suporta sa mga Beki.

Sabi ni Korina pagkatapos ng palabas, “ang saya (Keribeks 1st National Gay Congress), eh, ‘di wow!”

Hindi naman itinanggi ng TV host na sadyang malapit siya sa mga Beki dahil maraming beses na niyang naitampok ang mga kabayanihan at problema ng mga ito sa Rated K.

Gustong ipaalam ng TV host na ang mga Beki ay maaasahan sa lahat ng bagay at matulungin kaya isinusulong niyang sana’y bigyan ng equal rights sa lipunan.

Pagtatapat ni ate Koring, “may mga Beki na lumapit sa akin, eh, alam mo naman ang mga Beki, malapit talaga ang puso ko sa mga bading kasi buong career ko, sila ang kasama ko sa trabaho.

“So ako, hindi mo lang ako katrabaho kundi kapamilya mo na rin, so alam ko lahat ang mga isyu nila sa buhay, alam ko ‘yung mga hinagpis nila and I figured that they really need empowerment kasi talagang mayroon pa ring diskriminasyon, tumatanda pa rin silang walang ipon, wala silang mga plano sa buhay, so this is really intended para sa self-sufficiency, makita nila ang kanilang future, paghandaan nila at the same time, para masaya lahat.”

Nakita ang asawa ni ate Koring na si DILG Sec. Mar Roxas na base sa paliwanag ay, “supportive siya sa equality, sabi ko nga kahit sa dulo (end of the show) ka na lang, pero he (Mar) was here the whole time para manood.

“Ang proyektong ito (1st NationalGay Congress) was two years in the making kasi lahat ng grupo ng mga beki sa bawat city, bawat probinsiya pinuntahan ko sila isa-isa nakinig ako sa mga kailangan nilang sabihin kaya nabuo ito.

“Long before nagkaroon ng plano si Mar na tumakbo. Nariyan na talaga ‘yan at testigo ko ‘yung mga kasama kong narito.”

Nabuo raw ang pagtitipon ng Keribeks, “maraming nagsilapitan, maraming nagsabi na sumali na sila sa ibang organisasyon at naisip ito ng grupo ng mga beki talaga tungkol sa isyu ng LGBT na sana magkaroon ng umbrella organization na kung mamarapatin nila na sila’y sumali riyan.

“Basta’t ang pangako ko kasi sa grupong ‘yan ay susuportahan ko sila at tuloy ang mga proyektong eksklusibo para sa mga beki like job fair na beki lang ang puwedeng pumasok, concert na beki lang puwedeng pumasok. It is really an effort to make them recognize because they are people and they deserved to be treated equally and this is the start of that,” pahayag ng TV host.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Lizzie Aguinaldo

Lizzie Aguinaldo, humahataw, singing and acting career

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio FIRST TIME naming narinig kumanta si Lizzie Aguinaldo sa ginanap …

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *