Tuesday , December 5 2023

Denise, madalas ma-bash dahil sa pagiging epektibong kontrabida

080815 denise laurel

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Denise Laurel na madalas siyang ma-bash kaya naman hindi siya ganoon kadalas magbukas ng kanyang Twitter account. Naba-bash ang magaling na aktres dahil sa magaling niyang pagganap bilang si Toni sa top-rating afternoon drama series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ng ABS-CBN2.

Si Denise na nga raw ang isa sa itinuturing na epektibong kontrabida kaya naman ganoon na lamang ang nagiging response sa kanya ng mga manonood. Kulang na nga lang ay isumpa nila si Denise o kapuotan sa mga ginagawa niya bilang si Toni Briones, na nang-agaw kay Leandro (Christian Vasquez) mula kay Cecilia (Vina Morales).

Sa ganda ng takbo ng istorya na hindi lamang kina Toni, Leandro, at Cecilia umiikot gayundin kina Corinne (Jane Oineza) at Ryan (Jerome Ponce) bilang magdyowa at kina Bea (Loisa Andalio), at Joel (Joshua Garcia), hindi nakapagtatakang na-extend pa ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na dapat ay nagtapos na noong July 17.

Bale ba nasa 3rd season na ang NKNKK na nagsimula noon pang Enero 19. Bongga ‘di ba?! Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan at pasasalamat ng buong cast dahil sa tindi ng suporta ng TV viewers para sa kanilang Kapamilay Gold teleserye.

Sa pag-extend ng NKNKK may mga bagong karakter na papasok pero asahan pa rin ang lalo pang kapana-panabik na pagpapatuloy ng mga kaganapan sa bawat karakter na sinusubaybayan.

Dumami man ang haters ni Denise, okey lang sa kanya dahil aniya nga, “Expected ko na they will hate me, I just make sure na hindi ako nag-o-open ng Twitter,” paliwanag nito. “I just remind myself that I’m doing justice to the role.”

Ang NKNKK ay idinidirehe nina Mervyn Brondial at Cathy Camarillo. Ito ay mula rin sa grupong lumikha ng mga hit teleserye na Be Careful With My Heart, Dream Dad, at Oh My G. kaya naman hindi kataka-takang maganda rin itong Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gillian Vicencio Karthryn Bernardo

Gillian inabsuwelto ni Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LAST three months ago pa namin nakapanayam sa Marites University podcast si Gillian Vicencio. …

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

KathNiel issue pag-uusapan pa hanggang 2024

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG KathNiel pa rin ang mainit na topic sa bawat sulok ng bansa. …

Gillian Vicencio Daniel Padilla Karthryn Bernardo Kathniel

Gillian nakiusap ‘wag idamay sa hiwalayang KathNiel

I-FLEXni Jun Nardo IDINADAWIT ng ilang fans si Gillian Vicencio kaya nag-trending ang naging pahayag niya sa Marites …

blind item, woman staring naked man

Poging bagets naniniwalang mas masahol pa sa Mang Tomas si Female Starlet

ni Ed de Leon NAGKUKUWENTO ang isang poging bagets, naniniwala raw siya na ang isang female starlet nga …

Kathniel Daniel Padilla Karthryn Bernardo

Araw ni Bonifacio posibleng mapalitan ng Araw ng KathNiel

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA  naman ang bayaning si Andres Bonifacio. Kung iisipin mo minsan lang sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *