Sunday , May 5 2024

Sen. Grace Poe-kipot ‘este’ pakipot ba?

00 Bulabugin jerry yap jsyPAKIPOT ba o talagang matigas ang tindig ni Senator Grace Poe na huwag makipag-tandem kay outgoing DILG Secretary Mar Roxas sa Liberal Party para sa 2016 presidential elections?

Naitatanong natin ito dahil base sa mga nagdaang pangyayari at mga press release na pag-uusap umano nina Pangulong Benigno Aquino III at Sen. Grace Poe (dalawang beses na) ‘e wala man lang nahihiwatigan ang sambayanan kung magbi-bise ba ang anak ni FPJ sa mister ni Ate Korina.

Kumbaga, hindi epektibo kay Sen. Grace ang mga ‘palipad hangin’ ni PNoy.

O nagpapakipot lang si Sen. Grace?

Sa kanyang mga pahayag, sinabi niyang pwede silang tumakbong independiente ni Senator Chiz Escudero sa ano mang posisyon na nais nilang takbuhan.

Sinabi pa kamakailan ni Sen. Grace, wala naman daw opisyal na alok ang Palasyo o ang Liberal Party para makipag-tandem siya kay Secretary Mar.

Kumbaga puro pahaging o palipad-hangin lang.

Ahh kaya naman pala…

‘E bakit nga ba walang pormal na imbitasyon ang LP?! Ano pa ba ang tinitimbang-timbang nila?

Si Grace, si Leni o si Ate Vi?

Pero kahapon lang, nagsalita na rin ang spokesperson ng Nationalist People’s Coalition (NPC), susuportahan nila sina Senators Grace & Chiz ano mang posisyon ang nais sungkitin ng dalawa sa 2016 elections.

At sa Setyembre umano sila magdedeklara kung sino ang kanilang mga pambato.

Ano kaya ang ibig sabihin niyan?

Tuluyan na bang magta-tandem sina Senators Grace & Chiz sa ilalilm ng NPC?!

Kung popularismo ang pag-uusapan, walang duda, swak na swak diyan  si Sen. Grace..

Pero, may makinarya ba siyang magtatrabaho para ‘yang popularismo na ‘yan ay mai-convert niya sa BOTO?!

Gaano siya magiging matatag sa gitna ng durugan at bakbakan?! Ngayon pa lang ay may intriga at nagpapaputok na isa siyang lasenggera, nananakit ng kasambahay, pumasok sa rehab dahil adik etc.

Ganyan daw ang kakaharaping black propaganda ni Sen. Grace. Kayanin kaya ‘yan ng anak ni Panday at ni Inday?

Pero mukhang malakas talaga ang impluwensiya ni Sen. Heart ‘este Chiz kay Sen. Grace, ‘di ba?

Dahil mukhang from the day one na napag-usapan nila ang bagay na ‘yan ay hindi na nabago ang kanilang  desisyon.

Anyway, inisip siguro ni Sen. Grace na wala namang mawawala sa kanya dahil kapag natalo siya ‘e babalik lang siya sa Senado.

Kumbaga, just testing the water.

Kung buo na nga talaga ang kanyang desisyon na tumakbo sa pinakamataas na posisyon, wish lang natin, ‘wag naman sana siyang matulad sa kanyang tatay FPJ.           

Good luck Sen. Grace!

1602 lubog na pulis-bagman nag-tandem na sa Maynila!

Usap-usapan na sa Manila Police District (MPD) na mas matindi na ang operation ngayon sa illegal na sugal ng mag-tandem na lubog na pulis na sina TATA PAKNOY at isang P.O.TRES TATA BER NABAROG sa mga hindi nila ka-rancho.

Imbes sugpuin ng dalawang lespu-bagman ang mga ilegal na sugal sa Maynila ay kabaliktaran ang kanilang ‘lakad.’

Ang siste, hindi pa nakontento ang tarantadong TATA PAKNOY sa mga hawak niyang butas ng bookies, lotteng at STL cum jueteng at mga butas ni TATA BER na nakapayong din sa kanya kaya pati latag ng bookies ng kanilang kumpare na si PACIA ay kanilang binuburaot!

Panay nga ang patrabaho/pahuli ng dalawang kamote sa mga butas ni Pacia para sila na ang maglalatag sa mga area na hawak nito.

Nag-tandem na nga ang dalawang pulis scalawag sa pagpaparami ng kanilang butas sa Kamaynilaan.

Sonabagan!!!

PNP-NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao,marami na hong umupong hepe ng NCRPO pero sad to say hindi nila napahinto ang mga illegal activities nina Tata Paknoy at Tata Ber.

Sa inyong administrasyon kaya General Pagdilao, ay mawakasan na ang 1602 operation ng dalawang kumag!?

Aabangan namin ‘yan!

Frequent request of airport pass pinaiimbestigahan ni Ret. Gen. Descanzo

Pinababantayan at ipinarerepaso na ngayon ni MIAA AGM-SES ret. Gen. Jesus Descanzo ang ilang airport employees na may privilege na mag-request ng “Visitor’s Access Pass” sa airport.

Ayon sa ating pinagkakatiwalaang source sa NAIA, napansin ni Aiprot AGM-SES chief kung bakit napakaraming mga approved request ng passes na ang requesting party ay ‘yun at ‘yun din.

In short, iisang tao lang ang madalas na nagre-request ng airport pass.

Naghihinala umano ang hepe na mukhang ‘something fishy’ is happening in his turf?

Kaya naman ipinag-utos niya ang pagrerepaso sa mga taong nasa likod ng pagbibigay ng airport passes.

Mukhang ‘nasilip’ ni Gen. Descanzo, na may ilang tao na nasa likod ng umano’y massive requests na ‘kumikita’ at naghahanapbuhay. 

Naniniwala naman tayo na ang ginagawa ni General Descanzo ay bahagi ng kaniyang trabaho. 

‘Ika nga, big part of his job ay security ng airport kaya naman tinututukan n’ya ngayon ang mga request for airport pass para hindi magamit sa pag-i-escort o human trafficking.

Mabigat ang nakaatang na responsibilidad na ipinagkatiwala sa kaniya ni GM Bodet Honrado hinggil sa seguridad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Para naman maging kampante ang mga pasahero at airport users na they are in good hands.

Tama lang ‘yan AGM Descanzo!

Perya de sugalan sa Lucban Quezon (Attn: Calarbazon RD Gen. Richard Albano)

UNTOUCHABLE ho ba ang pergalan sa Lucban, Quezon nina Boknoy at Babes Panganiban? Meron color games at iba pang sugal lupa? Bakit hindi hinuhuli ng local police. Nasisira ang imahe ng bayan namin sa mga ilegalista na ‘yan! +639185300 – – – –

Pulis salot sa Baclaran vendors

MR. YAP, pakibulabog naman si PO2 EB ng PCP 5 Baclaran. Ang lakas po mangotong sa amin. Gusto may particular pa sya. May special tara pa kapag Linggo at Miyerkoles. Mga hayop na pulis na ‘yan! +63915626 – – – –

Sino ang totoong bagman sa Region 4 at NCRPO?

KA JERRY, nililigaw lang ang media ng mga tulisan sa Bicutan at Region 4. Ang talagang bagman diyan ay si WILSON KILALA. Gumagamit lang sila ng ibang pangalan para hndi cla mabanatan sa mga tabloid. +63917498 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *