Friday , December 9 2022

Dating raketista sa Kamara Congresswoman na ngayon

THE WHO logoTHE WHO kaya ang isang babaeng mambabatas na bago nahalal sa posisyon niya ngayon ay naging tambay at pakalat-kalat muna sa Kongreso para tumakits.

Ayon sa ating hunyango, na pabago-bago ang kulay, depende sa kung saan dadapo, matindi pala ang racket nitong si Cong noon na tawagin na lang natin sa pangalang Naging Congresswoman.

Bulong sa atin, mistulang intelligence daw itong si madam kung magtrabaho dahil inaalam niya kung sino-sinong Congressman ang may mga project at saka io-offer ang serbisyo niya bilang fixer.

Fixer? Parang pangit naman, facilitator na lang… ‘yun oh!

Tama kayo mga kalugar, ‘facilitator’ nga noon si Madam ng mga mambabatas na nangangailangan ng kanyang serbisyo para mapabilis ang proseso at maipalabas agad ang Special Allotment Release Order (SARO).

Ang mabigat nga nito, may mga hindi pumapatol sa iskema ni Lola kung kaya’t pinagtataguan siya ng ibang congressman. Kaya lang, matinik talaga siya, dahil sa pintuan ng session hall niya inaabangan ang kanyang bibiktimahin.

Walang lusot.

Napag-alaman pa natin, minsan ay may nasukol sa pintuan ng session hall si Cong. Aba ‘e feeling close na close agad sila ni Madam dahil agad umangkla sa braso ng hindi makapalag na mambabatas.

Kaya walang lusot talaga! Tsk tsk tsk.

Dahil bistado na, naging tampulan noon sa loob ng Kamara si Naging Congresswoman lalo na kapag dumarating na siya. Nagbubulungan ang mga empleyado at sinasabing nandiyan na si “Kalabit Penge.”

O naiisip n’yo na ba kung sino siya?

Kung hindi pa, sa susunod na isyu bibigyan pa namin kayo ng clues!

About Jethro Sinocruz

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Rabies, isda, at bakuna

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINLIMANG TAON na ang nakalipas nang, sa bisa ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

Leave a Reply